Breaking News, Showbiz

Sylvia, dream role na taong grasa, natupad sa Huwag Kang Mangamba’

MAY bagong serye ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez mula sa Dreamscape. Ito ay ang ‘Huwag Kang Mangamba.’ Gumaganap siya rito bilang si Barang, na isang taong grasa.

Sa tanong kay Ibyang sa virtual presscon ng nasabing teleserye, kung ano ang pagkakaiba ng role niya sa HKM sa mga role na ginawa niya dati, ang sabi niya, “Ang pagkakaiba nito, wala siya sa totoong mundo. Meron siyang sariling mundo.Wala siya sa reyalidad.”

Natutuwa si Ibyang na nabigyan sjya ng role  bilang taong grasa. Isa kasi ito sa mga dream role niya.

“First time kong ganito (taong grasa). Tapos sa isang teleserye pa na kailangan mag-concentrate ka run sa role na yun. Dahil kapag nilaro mo lang ito, I mean, kapag pumunta ako roon (sa set) na hindi ko pinaghandaan at hindi yakapin nang buong-buong yung role ko, e, tatagilid ka. Kailangan focus dito,”

Isa na namang mapaghamong role ang napasakamay ni Ibyang. Naniniwala ako na magagampanan niya ‘yun nang buong ningning dahil isa siyang mahusay na aktres.

Ang ‘Huwag Kang Mangamba’ ay mapapanood na simula sa Lunes, March 22, 8:40pm, pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus.

(HATAWAN by ROMMEL PLACENTE / BISTADODAILYNEWS.NET)