Breaking News, Opinion

Sundin ang batas ng kalikasan

YUMAO na ang MMDA chairman na si Danny Lim. Hindi isinapubliko ang dahilan ng pagkamatay. Baket?

—$$$—

KASAMA sa iniimbestigahan sa pagkamatay ng stewardress ang manager ng hotel kung saan siya natagpuang walang buhay. Tsk, tsk, tsk.

—-$$$—

ITINIGIL na ang imbestigasyon sa PSG na nagpaturok ng smuggled na covid vaccine. Siyempre, national security concern ito.

—-$$$–

MAKIKITA ditto na kung sino ang mga “awtoridad” sa publiko at pribadong sector ay siya pa ang lumalabag sa protocol laban sa covid. Kung sumusunod sa protocol—hindi sana tatamaan ng covid ang mismong mga awtoridad. Sintido-kumon.

—-$$$–

NAKASANAYAN nan a ang mga awtoridad ay tipong exempted sa batas. Pwede yan sa batas ng “tao”, pero sa batas ng “kalikasan” tulad ng Covid—tiyak na hindi kayo “sasantuhin”. Marami talaga ang mangmang at pasaway.

—-$$$—

ISINUSULONG Muli ang pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN. Panibagong giyera-patani.

—-$$$-

MARAMI ang nagtatanong: Bakit kulelat si Sen. Manny Pacquiao sa resulta ng latest presidentisal survey. Baka gusto nilang makatikim ng “left hook”.

—–$$$–

TINURUKAN din pala ng covid vaccines ang daan-daang Chinese na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas. Hari ang mga Tsino sa Mainland China; at hari din sila sa loob ng teritoryo ng Pilipinas. Walang nagi-imbestiga.

—$$$–

MAGA-ANIBERSARYO na ang pagputok ng Bulkang Taal. Nakarekober ba ang mga biktima? —-$$$– ELEKSIYON na sa susunod na taon. Masasaksihan na nating kung paano “ismolin’ ang utos ni Digong ng sarili niyang mga amuyong.

(Ka Ambo, Bunyag column, bistadodailynews.net)