Showbiz

‘Somewhere In My Past’ ng yumaong Julie Vega, hinahanapan ng bagong singer

KAHIT matagal nang namayapa si Juie Vega, ‘di pa rin siya malilimutan ng kanyang mga tagahanga. In fact, sa kasikatang tinamo ni Janice de Belen, isa siya sa factor nito, dahil sila ang magkaribal noong 80’s when they were both child stars at may soap opera pa sila noong magkatunggali – ‘Analiza’ kay Julie at ‘Flor de Luna’ kay Janice. Sila ang pinagtapat noon, sayang nga lang at maagang namaalam sa mundo ang mala-anghel sa gandang si Julie Vega.

            Julie Vega was not just an actress, she was also a singer. In fact, she made a hit song during that time, ang ‘Somewhere In My Past’ na kinompows ni Mon del Rosario. It was her signature song na kahit sa mga panahong ito, kapag naririnig natin sa radio, ay alam nating si Julie Vega ang umaawit. But of course times move on, at sa paglakad ng panahon, naisipan ng composer nitong si Mon del Rosario to record it again, and find a singer na makapagbibigay ng buhay sa ‘Somewhere In My Past.’

            Yes, the search is on for the singer na makaaakma sa hinahanap na kalidad ng kanta. Kailangan, ayon kay Mon, may distinct sound ang singer, siyempre ay iyong charm at ganda ng boses ni Julie Vega ang kailangang taglay ng mapipili.

            Masuwerte ang mapipili, of course. May sure listeners na ito dahil malakas ang dating ng kanta, may following na kumbaga. And for sure, sa panawagang ito, kandakumahog na ang mga mang-aawit para mag-apply para rito. Hindi naman basta-basta ang kanta at ang nagihintay na kasikatan sa magre-revive nito.

            This will be open for new and veteran singers, it will be anybod’ys ball game. Which of course, a beautiful song and a beautiful career is surely awaiting the lucky singer.

(TIK AT TIK by SANDY ES MARIANO / BISTADODAILYNEWS.NET)