Breaking News, Showbiz

Sobrang mami-miss ni Aiko ang stepfather; Jane de Leon syota na ni RK Bagatsing?

NAGLULUKSA ngayon ang aktres na si Aiko Melendez dahil sa pagpanaw ng kanyang stepfather na si Dan Castaneda. Si Dan ang kinagisnang ama ni Aiko pagkatapos maghiwalay ang kanyang mga magulang na sina Elsie Blardony at Jimi Melendez, (dating aktor na yumao na rin), noong siya’y 6 years old pa lamang.

Sa panayam kay Aiko, sinabi niyang Covid-19 ang tumama sa kanyang stepdad na kanyang ikinamatay nitong February 21. Kasalukuyang nakatira sa Amerika si Dan no’ng ito’y pumanaw sanhi ng Covid.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ng aktres ang kanyang saloobin para sa namatay niyang stepdad.“Dad @dancas123 (praying hands emoji)

“You will always be my one and only Daddy! (praying hands emoji)

“Thank you for always being here for me and my kids… You will be missed….. Till we meet again. “Dad @dancas123 How???… Help me Dad… (praying hands emoji) Pause..”

Malungkot ding mensahe ang hiwalay na ipinost ni Aiko sa kanyang Facebook account.

“The Passing of my dad has taught me so many things in life, And I know I will still learn more as days go by…I slept crying and still I woke up crying and while composing this letter, tears just keep rolling down my face.

“I was my kids age about 6 years old when my mom Elsie Castaneda and Daddy Dan Castaneda got married. So basically more than half of my life he was the father I never had, because my Papa Jimi and mom got separated, and he passed away eventually.”

Kaya naman paalala ni Aiko sa mga netizens, na dapat seryosohin ang nakamamatay na virus.

“For those who are fighting their chances to live due to Covid-19 we will be praying for all of you… And sa mga wala po Covid -19 pls be mindful… We also have our own family to come home too. Being selfish might cost a life… Be responsible”

“But if there’s something i know now, i prayed for this, i know there is a lesson that my Dad wants us to all learn from his story.

“He wants us all to take COVID-19 seriously. My Daddy Dan wants us to be extra careful with the people we mingle with. Kahit pa kaibigan mo yan.

“My Dad was a selfless man He is too good with everyone around him. Iam a living testimony he treated me as his own flesh and blood.”

Mensahe ng aktres sa kanyang stepfather: “Daddy, You will be missed! Sobra… And like you always tell me “Be with a man who sees you like how i see you and loves you and your mom…Thank You, Lord Jesus for lending us our dad we truly had a great time with him.

“I know it’s time for him to be with you para naman he will also experience one great love without limits with you Lord To my brother Angelo Castaneda you and I will be in charge of our family.

“I admire your strength from Day 1 Dad got sick. To my sisters Michiko Castaneda Bibit and Erika Akiko Castaneda Jacinto we got you covered …

“I know you have your own family but pls know we still got each others back And to our Mother Elsie grabe also the strength you have no mama. We admire you even more now…

“And to all those sending their fondest memories of our Daddy Dan salamat po nakakagaan sa loob lalo po.”

                                                              *****
            Jane de Leon at RK Bagatsing, magsyota na?

SINISIGURO ng ilang netizen na totoo nga ang tsismis na may relasyon sina Jane de Leon and RK Bagatsing pagkatapos mamataan ng ilang netizens ang dalawa na nagpalipas ng weekend sa Laguna nitong nakaraang linggo..Ang sinasabing quick getaway ng dalawa sa Lake Caliraya ay kanila ring kinumpirma sa kanilang hiwalay na Instagram accounts.

Bagama’t walang kasamang larawan ang kanilang IG posts, ang pagkakasabay ng kanilang post ay isang pruweba na magkasama nga raw ang dalawa sa Laguna.

Nagsimula ang romantic involvement nina Jane at RK,s imula nang sila’y pagtambalin onscreen for the first time via the 2018 teleserye “Araw Gabi.”

Matatandaang noong February, 2020, nakipag-break ang aktor sa kanyang non-showbiz girlfriend at si Jane ang itinuturong third wheel sa nasabing hiwalayan, subali’t pinabulaanan ito ni RK.

“As far as I’m concerned, walang third party. We care about each other so much. Nag-usap kami nang maayos. We just couldn’t bring it back to what it used to be,” paglilinaw pa ni RK.

Samantala, walang kumpirmasyon kay Jane kung romanticaly linked ba sila ni RK bagama’t  sa isang panayam sinabi nitong may posibilidad na maging sila ni RK balang araw.

“Wala naman akong isinasara. Hindi ko naman pinipigilan at wala rin akong hinahanap. Kung darating ay darating.” hiwalay na pahayag ni Jane.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)