Breaking News, Nations

SINOVAC NG CHINA, P650 LANG — SPOX ROQUE

HALOS kapareho lang na P650 ang COVID-19 vaccine ng Sinovac Biotech ng China na ibebenta sa Pilipinas, na katulad ng presyo sa Indonesia.

Iginiit ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na fake news ang kumakalat na P3,600 ang bawat isa nito.

Aniya, hindi tulad ng sa mga kapitalistang bansa, ang presyo ng bakuna na magmumula sa China ay maaaring baguhin, depende kung sino ang bibili.

Ito umano ang dahilan kung bakit ayaw ipaanunsyo ng China ang presyo sa posibilidad na magalit ang ibang mga bansa na bumili nang mas mahal. (Eloise L., bistadodailynews.net))