Breaking News, Showbiz

Si Paolo Gumabao sa napapanahong pelikulang ‘Lockdown’

WATCHED the trailer of ‘Lockdown’ and I found it interesting dahil timely ang istorya nito, as the title suggests ay panahon ng pandemya ang iniikutan ng kuwento.

            Obviously ay si Paolo Gumabao ang central character dito, he is seen from the beginning of the trailer to the end, and he showed an impressive acting. Bumagay sa kanya ang role, may puso ang mga dayalog na binibitawan niya. It may not be suprising dahil mula naman talaga siya sa angkan ng mga artista. Tatay niya ang beteranong aktor na si Dennis Roldan, kapatid niya sina Marco Gumabao and beauty queen-athlete Michelle Gumabao, bukod pa sa tiyahin niya si Isabel Rivas.

            ‘Lockdown’ isn’t Paolo’s first movie. Napanood na rin namin siya sa ‘Mga Batang Poz’ where he also acted well, but here in ‘Lockdown’  he gets bigger and meatier role.

            The movie is produced by Mr. Jojo Barron of For The Love Of Art Films. Three weeks pa lang nai-a-upload ang trailer ay halos kalahating milyon na ang views. Ibig sabihin ay marami ang naku-curious at nag-aabang sa pelikulang ito na dinirek ng premyadong si Joel Lamangan.

            ‘Lockdown’ depicts cybersex in time of the pandemic, ipakikita rin dito ang paghihirap na pinagdadaanan ng isang OFW at ng kanyang pamilya sa panahon ng pandemya. Mayroon ditong frontal nudity. Sa trailer ay makikita ang maseselang eksenang naglalantad ng kapangahasan ni Paolo Gumabao, he has lots of kissing scenes with co-actors, at may eksena pang nakahilera ang mga lalaking walang saplot at exposed ang butts.

            Sa writeup ng kolumnistang si Nonie Nicasio kamakailan, sinabi niyang satisfied ang producer na si Mr. Jojo Barron kay Paolo, to quote: “Laking gulat ng lahat sa tapang at makatotohanang pagganap ni Paolo rito. An actor is born!”

            Ayon pa kay Mr. Barron, si Paolo raw ang pinakamatapang at pinakamapangahas sa pelikula, may frontal nudity raw ito, pati ang apat pang supporting actors.

            Mr. Barron is in real estate business but as his film outfit says – for the love of art films, he is here to make quality movies. We are positive that this ‘Lockdown’ will hit at patuloy na gagawa ng magagandang pelikula ang For The Love Of Art Films na magbibigay ng kasiyahan sa manonood.

            Bukod kay Paolo Gumabao, kasama rin niya sa ‘Lockdown’ sina Max Eigenmann, Allan Paule, Ruby Ruiz, Jess Evardone, Jim Pebanco, Angeline Sanoy and Sean de Guzman.

(TIK AT TIK by SANDY ES MARIANO / BISTADODAILYNEWS.NET)