Breaking News, Showbiz

Si Bella Flores ang tunay na kontrabida para kay Nora Aunor

HANGGANG ngayon kapag tinatanong ang superstar na si Nora Aunor kung sino para sa kanya ang tunay na reyna ng kontrabida ay consistent siya sa pagsasabi na si Bella Flores ang choice niya.

Ayon pa kay Mama Guy: “Siya talaga ang mahusay para sa akin na kontrabida. Sa dami ng mga pelikulang pinagsamahan namin mula noon sa ‘Orang,’ wala talagang tatalo sa kanya at matatakot ka talaga sa kanya kapag kaeksena mo na siya. Pero kabaligtaran yon sa totoo niyang katangian sa buhay. Mabait at irerespeto mo siya talaga,” pagmamalaki pa ng superstar.

“Sa ngayon marami na tayong magagaling na kontrabida nandiyan sina Cherrie Gil, Gladys Reyes kahit si Osang o Rosanna Roces, magaling din nang magkasama kami dati sa drama show ng TV5.”

Kaya naman pinaghahandaan na nang husto ni Mama Guy kung epektibo ang magiging role niya sa Godfather Productions next offerring na ‘Kontrabida’ kung saan makikipagsagupaan siya kina Osang, Jaclyn Jose, Cherrie Gil at Gladys Reyes nga. Abangan!

(SHOWBISTOOO! by OGHIE IGNACIO / BISTADODAILYNEWS.NET)