Breaking News, Showbiz

Shido Roxas game sumabak sa BL series

IPINAHAYAG ng guwapitong actor na si Shido Roxas na game siyang sumabak sa BL serye, kung may mag-o-offer sa kanya.

Esplika ni Shido, “Opo, since may pagka-BL theme ang ‘Rainbow’s Sunset’ and ‘Beauty Queens’ (dalawa sa nagawa niyang projects). Pero sa BL, yung dalawang characters ang center of the story at mas mabibigyang justice and mahaba ang craft.”

Ano ang limitations niya sa pagpapa-sexy?

Tugon ng tisoy na actor, “Hindi ko pa po kaya ang frontal. May na-offer na po last year, pero hindi ko pa po kaya at isa po ako sa mga actors na walang sex scandal, hahaha! Kaya sayang naman ang itinatago… Baka po hindi pa panahon.”

“Sa ngayon, hanggang butt exposure lang ang kaya kong gawin,” pahabol pa ni Shido.

Si Shido ay maaalala sa pagaganp niya bilang batang Eddie Garcia sa pelikulang ‘Rainbow’s Sunset’ ni Direk Joel Lamangan.

Pero, paano ba siya nag-start sa showbiz?

Sagot niya, “Teenager pa lang po ako, may mga nag-aalok na sa akin mag-try (sa showbiz) pero apprehensive po ako before at hindi ko naman po nakita ang sarili ko na mag-aartista… parang kulang din po ako sa confidence dati.

“Nag-commercial and print ad model muna ako for two years and came late 2018, nagsimula yung first big break ko sa movie sa role ko as the young Eddie Garcia in ‘Rainbow’s Sunset.’ Bale, na-scout po ako ng manager ko to join LVD (Leo V Dominguez Management).”

Aniya pa, “Then, napasali po ako sa line up ng movie na ‘Isa Pang Bahaghari’ ng Heaven’s Best, ‘Love Thy Woman’ (ABS-CBN), ‘Beauty Queens’ (ATD Entertainmentn and IWant) and most recently po iyong Nelia.”

Very soon ay mapapanood nga siya sa pelikulang ‘Nelia’ ng A and Q Productions Films Incorporated na pinamumunuan nina Attorney Aldwin F. Alegre and Attorney Mary Melanie Honey Quiño, na siya ring sumulat nito.

Ang ‘Nelia’ ay pinagbibidahan ni Winwyn Marquez at tinatampukan din nina Raymond Bagatsing, Mon Confiado, Dexter Doria, Ali Forbes, Carlo Galano, at iba pa, mula sa pamamahala ni Direk Lester Dimaranan.

Ano ang wish niyang mangyari sa kanyang career?

Saad ni Shido, “Ang mabigyan ng mas mahahaba and essential roles hindi lang sa mga project na pa-sexy or boyfriend-like, kundi sa mga intense scenes na mailalabas ko ang dinadala ko.

“Masarap po kasing magpalabas ng dinadala. I forewent a few opportunities and I believe in right timing,” sambit pa niya.

(SILIP by NONIE NICASIO / BISTADODAILYNEWS.NET)