Breaking News, Showbiz

Sharon at Maricel balak gawan ng pelikula ni Joed Serrano

ANG pagsamahin sina Megastar Sharon Cuneta at Diamond Star Maricel Soriano sa isang pelikula ang isa sa dream movie project ng mabait at generous na producer (GodFather Productions) na si Joed Serrano.

 ”I just want to do more films. A movie with Sharon (Cuneta) and Maricel (Soriano). Sana, mapagsama ko rin sila. ‘Yan ang mga dream ko.” ani Joed.

“Masaya lang ako na at this point, marami na ang blessed to have work. Nasa pandemya tayo pero nakatutulong pa rin tayo para umayos ang buhay ng mga tao.”

Sa ngayon pa nga lang ay nag-iisip na ng magandang script si Joed para kina Megastar at Diamond Star, wish nga nito na sana raw ay magawa niya ngayong taon ang pagsasama sa iisang pelikula nina Sharon at Maricel.

Isa pang dream project ni Joed ang pagsamahin din sa pelikula ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor at ang nag-iisang Star For All Seasons na si Vilma Santos.

Sa ngayon ay nakuha na nito ang serbisyo ni Nora Aunor para sa pelikulang “Kontrabida“ kung saan kakaibang Nora Aunor daw ang mapapanoood dito ng kanyang mga tagahanga.

            *****

                 Charles Nathan kabado na makaeksena si Nora Aunor

May halong  excitement at kaba ang nararamdaman ng guwapong actor na si Charles Nathan dahil ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor ang makakasama niya sa pelikula sa GodFather Productions ni Joed Serrano.

Magkakasama si Charles at Ms. Nora Aunor sa pelikulang “Kontrabida“ kung saan halos karamihan daw ng eksena nito ay ang nag-iisang Superstar kaya naman daw grabeng paghahanda ang kanyang ginagawa.

Post nga ni Charles sa kanyang Fb Account, “Super excited na po ako makatrabaho ang buong cast ng KONTRABIDA na pagbibidahan ng “Super Star” Ms. Nora Aunor, kasama ang iba pang mga bigating artista na sina Ms. Jackilyn Jose, Ms. Rosanna Roces, at Mr. Bembol Roco. Makakasama ko din dito ang SWATBOYS. Sobrang nagpapasalamat ako dahil napasama ako sa proyektong ito.

“Medyo kabado din po ako kasi si Miss Nora Aunor yung makakaeksena ko napakahusay na aktres so dapat handa ka pag humarap ka sa kanya. Kaya nga po nag-a-undergo ako ng acting  workshop para magampanan ko ng tama yung role ko. Nagpapasalamat nga ako sa Godfather Productions at kay Joed sa tiwala at pagkakataong binigay nila sa akin.”

Bukod kay Superstar Nora Aunor, makakasama ni Charles sina Rosanna Roces, Jaclyn Jose, Bembol Roco, Ricky Gumera atbp. Directed by Adolfo Borinaga Alix Jr. Under Godfather Productions and Ovation Productions.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)