Breaking News, Showbiz

Shalala naiyak sa kanyang birthday celebration

NAGING emosyonal ang mahusay na host/comedian na si Shalala nang mag-celebrate ito ng kanyang kaarawan kamakailan na inorganisa ng napaka-generous na mag-asawang Pete and Cecille Bravo sa kanilang tahanan sa Bahay Toro Hills, Quezon City.

Hindi nga naiwasan ni Shalala ang maiyak habang kinakantahan ito ng ‘Happy Birthday’ ng mag asawang Pete and Cecille kasama pa ang ilang imbitadong kaibigan nito .

Ayon nga kay Shalala kung bakit siya naiyak, “Sobrang na-touch ako sa pagmamahal nina Mommy Cecille at Daddy Pete (Bravo), biruin mo binigyan pa nila ako ng birthday celebration, kaya  nagpapasalamat ako sa kanila at sa mga kaibign kong pumunta.”

Ilan nga sa mga kaibigan nitong dumalo sina Former Miss Saigon Ima Castro, Kapuso DJ/Anchor Janna Chu Chu, John Nite (Host), Raymund Saul (Designer), Raoul Barbosa (Businessman), Jeffrey Dizon, Rodel Malabag, Erlinda Sanchez, Benjie  Montenegro, atbpa.

Tatlo raw ang wish ni Shalala sa kanyang kaarawan, ang una ay para sa kanyang pamilya at sa kanya na magkaroon ng good health, pangalawa ang magkaroon ng magandang career ngayong 2021 at pangatlo ay para sa buong mundo na sana raw ay mawala na ang Pandemic Covid 19 para maging normal na lang lahat at bumalik na sa dati.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)