Breaking News, Showbiz

Sean De Guzman patuloy sa paghataw ang career

NANINIWALA ang 3:16 Events and Talent Management artist na si Sean De Guzman na taon niya ngayong 2021 dahil na rin sa sunud-sunod na blessings na dumarating at tinatamasa niya sa kanyang career.

Enero pa lang ng taong ito ay talagang pinag-usapan na si Sean dahil sa pagiging bida niya sa pelikulang ‘Anak Ng Macho Dancer’ directed by Joel Lamangan. Umani siya ng mga papuri dahil sa kanyang ipinakitang galing sa pag-arte.

Enero rin nang pumirma si Sean ng 10-picture movie contract sa Viva Films, na gagawin niya sa loob ng limang taon. Kaya patuloy siyang gagawa ng pelikula pagkatapos ng ‘Anak Ng Macho Dancer.’

Lubos naman ang pasasalamat ni Sean sa lahat ng naging bahagi ng kanyang career. Lalo na ngayon sa pagsisimula ng kanyang journey sa pagiging magaling na aktor matapos ang kanyang mga pinagdaanan bilang miyembro ng all-male group na Clique V kung saan siya nahasa ng pagpe-perform, pagsayaw at pagkanta. Ngayon ay gumagawa na siya ng sarili niyang pangalan bilang aktor.

Post nga niya sa Facebook, “Una sa lahat gusto ko magpasalamat sa Panginoon na palaging nandyan para gabayan ako sa aking journey, The best ka talaga Lord!

“Nagpapasalamat ako sa nanay ko na si Len Carillo sa walang sawang pagsuporta at pag aalaga sa kin at sa aking mga kapatid/ co-artists I love you Nay, at syempre kay Daddy Pancho Carrillo sa pangangaral at pag-sama sa amin at sa pagiging totoong ama sa aming lahat.

“Maraming salamat sa pinaka mahal kong director na si Joel Lamangan sa paniniwala sa kakayanan ko bilang baguhang aktor at kay Mr. P – Joed Serrano sa pagbibigay sakin ng oportunidad na hinding hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.

“Kay Nanay Jobert Sucaldito isa sa dahilan kung bakit ako nandito ngayon sa kinatatayuan ko, I love you nay! Kina sir Dennis Evangelista na napakabait at masarap katrabaho, Thank you po sir. Kay direk Henry King Quitain na aming Writer ng ANAK NG MACHO DANCER, napaka henyo niyo po direk Maraming salamat po! Maraming salamat din sa aking co-actors sa pelikulang anak ng macho dancer sa pag gabay at tiwala sa kakahayan ko. At sa aming mga PR na napaka gaganda at mahuhusay sa pagsulat sa amin sina Leo Bukas, Dominic Rea, Throy Catan, Benny Andaya and of course kay Tito Lito De Guzman Iba ka tito napakalakas ko sayo, Maraming maraming salamat sa ginawa mo, alam mo na yon haha.

“To my Blackwater family thank you so much at sa aking bagong pamilya Viva Artists Agency.  Maraming salamat sa bagong oportunidad at sa mainit na pagtanggap po saakin lalong lalo na kay Boss Vic Thank you so much po!

“Salamat din sa mga kapatid kong CliqueV at Belladonnas sa pagsama at pagsuporta sa tinatahak ko ngayon. Maraming salamat din sa Family ko at kaibigan na sumusuporta sakin.

“Maraming Salamat sa inyong lahat, Simulan na natin ang laban!”

Samantala, tuloy sa paghataw ang career ni Sean. Pagkatapos sa pelikula, sa telebisyon naman siya sasabak. Kabilang si Sean sa cast ng Net25 original love drama fantasy series na ‘Love From The Past’ directed by Joel Lamangan.

Kasama ni Sean sa cast sina Francis Magundayao, Claire Ruiz, Lotlot De Leon, Lloyd Samartino, Ron Angeles at Nella Dizon.

Kaya may bagong aabangan na naman kay Sean bukod pa sa mga pelikulang gagawin niya sa Viva.

Natutuwa kami para kay Sean dahil tinatamasa na niya ngayon ang tagumpay sa kanyang career na matagal din niyang hinintay. Bukod sa gwapo at very talented ay napakabait at sweet ni Sean kaya naman siya nabibiyayaan ng maraming blessings. Congrats, Sean!

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)