Breaking News, Showbiz

Sean de Guzman inuulan ng proyekto; Kim at Martin magtatambal sa ‘Juke Box King’

MAS daring, palaban sa paghuhubad at game na game sa mga maseselang eksena sa pelikung ‘Lockdown’  ang isa sa pinaka-exciting at promising actor ng 2021 na si Sean De Guzman na nagbida sa controversial movie na ‘Anak Ng Macho Dancer.’ 

Sobrang tapang at walang kaarte-arte raw ni Sean pagdating sa paghuhubad at napatunayan nito sa pelikulang ‘Anak Ng Macho Dancer’ kung saan ilang beses nasilip ang kanyang hinaharap.

At sa pelikulang ‘Lockdown’ at nagtodo na nang husto si Sean, pero dito raw ay mapapansin ang husay nito sa pag-arte more than sa paghuhubad nito.

Bukod sa ‘Lockdown’ ay isa na ring certified Viva Artist si Sean na kakapirma pa lang ng kontrata sa Viva Films at inihahanda na ang kanyang mga gagawing pelikula.

Makakasama din ito sa bagong serye ng Net 25  at sa pelikulang ‘Ang Huling Baklang Birhen Sa Balat-Lupa,’ sa direksiyon ni Joel Lamangan under Heaven’s Best Productions.

            ****

Kim at Martin magtatambal sa ‘Juke Box King’

FROM Dubai kung saan ilang araw ding nagbakasyon ang Kapuso actress at businesswoman na si Kim Rodriguez ay sumabak kaagad ito sa shooting ng pelikulang ‘Juke Box King’ ng EBC Films.

Kuwento nga ni Kim, “Sobrang happy ako kasi after kong magbakasyon sa Dubai nang ilang araw ay may nakaabang na agad na trabaho for me, kaya thankful ako sa EBC dahil kinuha nila ako para makasama sa ‘Juke Box King.’

“Happy ako kasi hindi ako nababakante, from simula nang bumalik ako mula sa bakasyon, sunud-sunod na ‘yung project na ginagawa ko.

“ Bale true to life story ito ni Sir Victor Wood na ginawang pelikula, ako
dito si Arcelli, ang greatest love ni Victor Wood na ginagampanan ni Martin Escudero. Ipapakita dito yung pagsisimula ng career ni Sir Victor and yung love story niya at marami pang iba.

“Very exciting yung life story ni Sir Victor, marami kang kapupulutang aral. And sobrang galing dito ni Martin kuhang-kuha niya talaga si sir Victor.”

Bukod sa pelikulang ginagawa ni Kim ay busy din ito sa pagpapatakbo ng kanyang clothing line, milk tea at watch business.

Ang ‘Juke Box King’ ay hatid ng EBC Films with Martin Escudero, Kim Rodriguez,
kristel fulgar, Alwyn Uytingco mula sa direksiyon ni  Carlo Cuevas.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)