Breaking News, Showbiz

Sean De Guzman, after macho dancing, action movie ang next project

PAGKATAPOS ng matagumpay na pagpapalabas ng controversial movie na ‘Anak Ng Macho Dancer’ na pinagbibidahan ng uprising actor na si Sean De Guzman ay sunud-sunod na ang magagandang proyektong dumadating dito.

Maaalaang si Sean ay alaga ni Ms Len Carillo ng 3:16 Events and Talent Management na siya ring namamahala sa career nina Cloe Barreto, Marco Gomez, Quinn Carillo, Karl Aquino, Clique V at Belladonnas.

Kailan lang ay pumirma si Sean ng movie contract sa Viva Films kung saan sampung pelikula ang nakatakda nitong gawin sa higanteng movie outfit.

Malaki nga raw ang posibilidad na makasama nito sa pelikula ang isa sa bini-build up ng Viva ngayon na si Aj Raval na anak ng sumikat na action star na si Jeric Raval.

Balita ngang mula sa pagiging daring sa pelikulang ‘Anak Ng Macho Dancer’ ay isang action movie naman ang pagbibidahan nito. Pero ayon sa binata wala naman daw problema sa kanya kung may alok na gumawa ulit siya ng sexy movie, ang mahalaga raw dito ay may trabaho siya.

Bukod sa mga pelikulang gagawin nito sa Viva Films ay  makakasama din ito sa  Net 25 Original Love Drama Series na ‘Love From The Past’ na ididirehe ng awardwinning director na si Joel Lamangan.

Ilan sa makakasama ni Sean sa ‘Love From The Past’ sina Lotlot De Leon, Loyd Samartino, Francis Magundayao, Claire Ruiz, Nella Dizon at Ron Angeles sa direksiyon ni Joel Lamangan at hatid ng Net 25.

                        *****

              Jaime Acosta ipinakilala ang kanyang mga bagong endorser

IPINAKILALA ng CEO & President ng Psalmstre Enterprises, Inc.  makers of New Placenta for Women and Men, Olive C at Jim & Jel na si Jaime Acosta na may bagong dagdag sa pamilya ng Psalmstre na makakasamang mag-promote ng beauty queen at 8 years nang Endorser ng New Placenta na si Stephany Stefanowitz, 2012 Miss Earth-Air Miss Philippines 2012, Ford supermodel, host, singer,  author and artist.

At bilang singer ay nakapag record ito sa Los Angeles para sa Oscar-nominated song “I’m Standing with You” composed by American songwriter, musician, at record producer Diane Warren. Quite.

Ang una ay ang flight attendant, businessman at author na si Aldous Pizarro Samonte na pinakabagong modelo ng New Placenta for Men. Ang pangalawa ay ang social media influencer, beauty queen, events host at public sevant na si Sarah Margarette Faurillo Joson na maging mukha ng pinakabagong produkto ng Psalmstre na Jim & Jel soap variants na Glutathione, Kojic at Carrot naman ay ginawang mas affordable para sa masang Pinoy.

Mula sa di karangyaang pamilya si Sarah na nagsumikap para maabot ang kanyang pangarap. Naging SK Chairperson mula 2010-2013.

Naging  top 12 finalist sa Miss World 2016, Miss Hannah’s Beach Resort Face of Tou 2017, Ginoo at Bb. Republica de Filipinas 2017 1st runner-up, Miss NAITAS Face of Tourism 2017 grand winner, Bb. Pilipinas 2018 finalist, at Miss Progress Health International 2019 held in Puglia, Italy.

At ang panghuli ay angRap/Commercial Model na si Alfio Schmidt na isa sa magiging bagong mukha ng New Placenta for Men.

Isa sa pangarap ni Alfio ang maging isang sikat na fashion model di lang sa bansa kung hindi maging sa ibang bansa. Ilan sa naging proyekto nito ang San Miguel commercial at naging parte ng Bench Under the Stars fashion show, napasama din ito sa isang short wedding film para sa Fuji Film.

Sina Stephany, Aldous, Sarah at Alfio ang makakasama ni sir Jaime para sa kanilang  #FreeHugs nationwide campaign upang pangunahan ang ilan pang consumer campaigns ng New Placenta anti-aging soap para sa taong kasalukuyan.

Ang anunsiyo para sa #FreeHugs promotional schedules ay makikita sa Psalmstre official Facebook page.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)