Breaking News, Showbiz

Sasampal kay Nora hinahanap pa; Mhack Morales palaban sa palakihan ng kargada

PANININDIGAN na talaga ni Joed Serrano ngayong 2021 ang bagong Mega producer niya sa paggawa ng pelikula ng kanyang Godfather Productions na mukhang nagbabanta sa big movie outfits ng bansa gaya ng GMA Films, Regal Films, Star Cinema etc. Hindi pa nga Ipinalalabas ang debut film nilang ‘Anak Ng Macho Dancer’ ni direk Joel Lamangan ay pinaiingay nila agad ang ‘Kontrabida’ movie na uumpisahan pa lang sa ikatlong Linggo ng buwang ito kung saan bibida ang superstar na si Nora Aunor along with Bembol Rocco, Rosanna Roces. Gladdys Reyes, at Cherrie Gil.

Pero ang malaking pasabog ay kung makumbinsi nina Joed at Direk Adolf ang sinumang pinakasikat na aktres ngayon na magkaroon ng cameo role sa ‘Kontrabida’ na sasampal kay Noora Aunor. So sino nga kaya ang gagawa no’n. Imposible namang si Maine Mendoza o Yaya Dub na tuluyan nang bumaba ang popularidad mula nang bumitaw sa tandem nila ng guwapong si ALden Ricards.

                        *****

            Mhack Morales ‘di pahuhuli sa palakihan ng kargada

HINDI raw pahuhuli o pasasapaw si Mhack Morales sa laki ng kanyang kargada sa mga kasama niyang bida sa ‘Anak Ng Macho Dancer’ ng Godfather Productions ni Joed Serrano. Wala kasing takot na ibinuyangyang ni Mhack ang naghuhumindig niyang ari sa nasabing movie na mainit na pinag- uusapan.

Ayaw daw mapahiya ng teacher/politician kay Direk Joel Lamangan kaya pagsigaw nito ng ‘action!’ ay wala siyang malisya at kaarte-arte sa katawan na naghubad na kita lahat-lahat na.

Tiyak na pagpapantasyahan ng mga bakla kapag napanood ang ‘Anak Ng Macho Dancer.’   Abangan!

(SHOWBISTOOO! by OGHIE IGNACIO / BISTADODAILYNEWS.NET)