Breaking News, Showbiz

Sarah Javier sumusuporta sa proyekto ng Philippine Movie Press Club

100% ang suporta ng actress and singer na si Sarah Javier sa virtual benefit concert ng Philippine Movie Press Club entitled ‘Awit Sa Pandemya’ na gaganapin  sa April 18, Sunday, 8 PM (PHST & SGT) 5 AM (PDT) thru ticket2me.net.

Malaki raw ang tulong sa kanya ng mga entertainment press simula pa nang pinasok niya ang showbiz at naging miyembro noon ng defunct ‘That’s Entertainment’ at hanggang ngayon ay nakasuporta pa rin ang press people sa kanyang singing at acting career.

Marami rin daw siyang naging close at parang pamilya  na mga press people na members ng PMPC kaya naman naman anytime na kailangan ng mga ito ng suporta ay lagi siyang nandiyan para sumuporta sa abot ng kanyang makakaya.

Makakasama ni Sarah sa PMPC Benefit Concert entitled ‘Awit Sa Pandemiya’ sina  Alden Richards, Jed Madela, Christian Bautista, Ima Castro, Gerald Santos, Luke Mejares, Jeric Gonzales at Ms. Kuh Ledesma.

Kasama rin sina Jos Garcia, Charo Laude, JV Decena, Gari Escobar, Christi Fider, Joaquin Garcia, Diane De Mesa, Renz Robosa , Lil Vinceyy at Zcentido.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)