Breaking News, Showbiz

Sarah Javier nakagawa ng kanta dahil sa pandemya

ISANG napapanahong awitin ang naisulat ng singer/actress at naging anak-anakan ng yumaong si German ‘Kuya Germs’ Moreno sa defunct teen show na ‘That’s Entertainment’ na si Sarah Javier at ito ang awiting ‘Ihip ng Hangin.’

Ayon nga kay Sarah. “ Ako bale yung nag-compose ng song and inarranged ni sir Elmer Blancaflor, bale ang story po ng ‘Ang Ihip Ng hangin’ ay nagawa ko po yun nang unti-unti dahil na rin sa nararanasan nating  pandemya.

“ Mula nang simula ng pamdemya  at hanggang ngayon po ay nakita ko ang hirap, takot at lungkot ng lahat ng tao.

“ Ngunit naisip ko na lahat po ng paghihirap na nararanasan natin, dasal lang po ang kailangan, manalig lang po tayo sa Diyos na may likha ng lahat at ano’t ano pa man matatapos din kung ano man yung paghihirap na nararanasan natin ngayon, makakabangon din tayong lahat at makakapag simulang muli.

“Si God po talaga ang pinaghugutan ko niyan, tito…very special sakin yang ‘Ihip Ng Hangin’ na kagaya ng ibat ibang problem po sa buhay ..dadaan lng ito..lilipas na parang hangin…at muli kang mabubuhay at sasaya,

“Kaya nabuo ko yung kanta, para maging inspirasyon sa lahat na lagi lang manalig sa Diyos at lahat ng problema natin ay mawawala.“

Espesyal daw para kay Sarah ang nasabing awitin at umaasa nga itong mapapakinggan ng lahat ang kanyang awitin lalo na sa mga taong nawawalan na ng pag asa dahil sa pandemya.

Ang  awiting ‘Ihip Ng Hangin’ ay availble na  sa spotify, itunes at sa lahat ng digital platform.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)