IPINAHIWATIG ni San Miguel Beermen head coach Leo Austria sa mga kabataan ng kanyang tinubuang bayan ng Sariaya na ‘wag sumuko sa kanilang mga pangarap sa kabila nang kanilang nararanasan dulot ng Covid-19 pandemic kung saan tiwala siya na sa presensiya ng San Miguel Corporation (SMC) aty mapapalakas ang basketball sa probinsiya ng Quezon at makapag-produce ng mga bagong talento na sa kalauna’y makapaglaro sa collegiate leagues at Philippine Basketball Association (PBA).
Si Austria, ang 1985 PBA rookie of the year awardee, ay nagsabing ang mamuhay sa probinsiya ay hindi balakid na sumulong bilang player at coach sa Philippine Amateur Basketball League (PABL) at PBA.
“Ang sabi ko nga sa mga bata, ako nga na tagarito sa Sariaya ay nagsikap at umabot sa PBA. Kaya’t kaya rin nila basta magsikap sila at malaking blessing na nandito na ang San Miguel sa Sariaya,” sambit ni Austria.
Si Austria, kasama si PBA legend Alvin Patrimonio, ay nakihuntahan sa mga lokal na opisyal ng Sariaya sa pangunguna ni Mayor Marcelo Gayeta at Quezon clergy sa pamumuno ni Lucena Bishop Mel Rey Uy sa kamakailang ginanap na inagurasyon mh bagong pasilidad ng 5.4-hectare San Miguel-Christian Gayeta Homes, na kinabilangan ng covered at concrete basketball court, livelihood center, e-library, at children’s learning center.
Muling isinatinig ni Austria ang kanyang pasasalamat kay SMC president at COO Ramon S. Ang sa pagtulong sa 127 pamilya na nailipat sa may P352 million sustainable housing community mula sa mapanganib na coastal areas ng Sariaya.
“Being in San Miguel changed my life. Ang sabi ko sa mga kababayan ko ay nagpakita ng malasakit ang San Miguel and ni Boss RSA (SMC president and COO Ramon S. Ang) nung lockdown at hanggang ngayon ay maaasahan nila yun. Magkakaroon ng trabaho at makakatulong sa income ng local government units ang pagtatayo ng negosyo ng San Miguel sa Sariaya,” ani Austria.
Makaraang mapag-alaman na ang SMC’s housing community ay may concrete basketball court, sinabi ni Austria nais niyang magsagawa ng basketball clinics para sa mga kabataan. Ngunit kailangan munang maghintay, habang patuloy na umiiral ang quarantine restrictions prohibit team-oriented sports activities.
“Maraming kabataan sa pinatayong subdivision ng San Miguel. Kapag nawala na siguro ang pandemya at meron nang vaccine ay puwede na tayong magkaroon ng mga clinics dito para sa sports development nila at ma-boost ulit yung basketball sa Sariaya,” wika ni Austria. (SMC)