Breaking News, Showbiz

Sa paglipat ni Kris sa beachfront property, ayaw sumama ng anak na si Josh

HALOS dalawang buwan ding hindi nagkikita ang mag-inang Kris Aquino at panganay na anak na si Joshua simula nang mag-decide itong sa Tarlac muna tumira. Matatandaang ang huling pagkikita ng mag-inang Joshua at Kris ay nitong December, 2020, bago ito bumiyahe papuntang Tarlac kung saan ito ngayon naninirahan.

Kaya naman, sa ‘di inaasahan, naganap ang isang masayang pagtatagpo ng mag-ina nito lang Biyernes, February 19. Nangyari ang pagtatagpo noong biisitahin ni Josh ang kanyang mommy sa tinutuluyan nilang condo ni Bimby sa Taguig City nitong Friday.

Para i-share sa kanyang mga supporters, agad namang i-pinost ni Kris sa kanyang Instagram nitong February 19, ang pagtatagpo nilang mag-ina at masasabing reunion na rin nito sa bunso nitong kapatid na si Bimby.

Captioned “REUNION with our Tarlac resident,” makikita rin sa kanyang IG video ang mahigpit nitong yakap sa panganay.”

 “Our probinsyano is here to visit us, visit me, pero may schedule.”

Sinamantala ni Kris ang pagkakataong makapagtsikahan si Josh with Bimby dahil nagdeklara ang sinasabi niyang ‘residente ng Tarlac’ na saglit lamang ang kanyang pagbisita sa Taguig.

“Babalik daw siya right away. Babalik daw siya at four o’clock. Kakarating mo pa lang babalik ka na agad,” nangingiting sabi ni Kris..

Habang nagtsitsikahan, ibinahagi ni Josh sa kanyang mommy ang karaniwan nitong routine habang nasa Tarlac, kasama ang pagi-e-bike, jogging para makalanghap ng sariwang hangin.

Touched naman si Krissy no’ng tanungin siya ng kanyang panganay kung happy siya?

Sagot ni Kris, “Yes kasi you’re here eh. At least dumating ka. Take note gumawa siya ng sarili niyang schedule.” sabi pa ni Kris.

“Ngayon ka pa lang nagpapakita sa amin. Parang dumedma ka sa amin. Feeling ko nag-create ka na ng new life mo in Tarlac,” Kris told Josh. The celebrity mom also shared that Josh has his choice of personal vehicles at his disposal“Nagdikta rin siya ng mga dadalhin niyang sasakyan doon. Don’t worry, yung cars na gusto mo, they’re yours.”.

Ngunit sa plano ni Krissy na mag-move-out soon sa isang beachfront property ,  tinanong nito ang anak kung sasama  sa kanya, subali’t tumanggi si Josh. Kaya naman  nagpasiya si Kris na, “Okay. Madali akong kausap. Sure? But you like the beach. Ayaw. Stay ka where? O sige, mahirap kalaban pag nag-decide na na ‘dito ako.’”

Ilang pagkakataon na ring sinabi ni Kris na ang dahilan kung bakit gusto nitong manirahan sa Tarlac ay dahil sa kanyang lola, ang dating Pangulong Cory Aquino.

“The room he stays in used to be my mom’s room and the bed that he’s staying in used to be my mom’s bed. So I think mahirap labanan ang memories ng lola. Kasi super naiiintindihan ko kasi I was already na ‘Kris na puwede na magdikta ng schedule’ nag-a-adjust na sa akin when Bimb was born. But when he (Josh) was born, I was not yet at the level I was. All those yung mga program, PTC, events sa school, I was taping, I was shooting, and lola niya talaga ang pumuno sa lahat ng yun.

“So I can truly understand kung bakit dun niya gusto kasi all those times that the mother was busy, I think so many of the working moms can understand this, if the lola was the one who went at pinunuan yung mga hindi kayang gawin nung nanay na nagtatrabahothen the lola will always be number one and that’s fine with me. Because I could never have raised a boy na ganito ka-generous, ganito ka-bait sa lahat,” paliwanag ni Kris.

                                                                *****

KUNG tutuusin, masuwerte ang ilang artista na patuloy pa ring umaarangkada ang showbiz career, kahit na nagkaroon ng pandemic. Isa rito ay si Brenda Mage, ang Miss Q and A grand finalist ng ‘It’s Showtime’ at regular na napapanood sa Kapamilya series na Ang Sa Iyo Ay Akin bilang assistant ni Jodi Sta. Maria. Bukod pa sa nasabing serye, bumibida rin siya sa comedy film na  Ayuda Babes na mapapanood sa iWantTFC at Ktx.PH simula March 5 sa pamamahala ni Direk Joven Tan at produced ng Saranggola Films.

Sa isang panayam kay Brenda,masasabi ng comedian-vlogger na isa siya sa mga pinagpalang naging produkto ng iss Q and A segment ng It’s Showtime.

‘“Ako po, hindi naman po sa pagmamayabang  pero yung pandemic po naging… kung sa iba naapektuhan talaga sila during lockdown, sa side ko po medyo naging positive po yung dating sa akin, kasi bukod sa pagko-comedy bar po, ang naging soure of income ko po ay ang pagba-vlog ko. Because ang mga tao nasa bahay lang po, mas malaki po yung chance na tumaas yung views ko for vlogging so mas lumaki yung income ko sa YouTube na hindi ko inaasahan.”

Kaya naman sa suwerteng kanyang nararanasan hindi siya nakalimot na mag-ambag ng kanyang tulong sa mga kaibigan at pamilya.  Bukod sa kaliwa’t kanan nitong project, malaki raw ang nakukuha nitong bayad sa kanyang pagyo-YouTube.

“Hindi po ako nagkaroon ng depression, ng anxiety attack. Marami po akong friends na naapektuhan and I’m so happy kasi I was able to help them dahil ako naman ang kumikita.

“Nagkaroon din ako ng chance na magpunta sa lugar kung saan masyadong apektado. Yung iba hindi masyadong nakikita sa social media, yung iba nakikita naman — namimigay po ako ng mga relief goods galing sa mga kinita ko sa vlogs.

“Yung pamilya ko natulungan ko sa probinsya. Tapos yung mga friends kong naapektuhan kinupkop ko muna lahat sa bahay tapos ako rin ang nagsu-support sa kanila. Yon ang naging thankful ako kasi don ko napakita na kahit papaano kaya ko palang tumulong sa ganung paraan,” ani Brenda.

Samantala, makakasama ni Brenda sa Ayuda Babes sina Gardo Versoza, Juliana Parizcova Segovia, Petit, Ate Gay, Negi, Christi Fider, Dan Delgado, Berni Batin at marami pang iba, kaya naman siguradong riot ito sa katatawanan..

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)