Breaking News, Showbiz

Sa kasal ni Ara: kakanta si Martin, abay si Cristine, little bride ang 5-year old daughter

 

MASAYA kami para kay Ara Mina dahil maganda ang takbo ng kanyang career at lovelife. Regular siyang napapanood sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano,’ na pinagbibidahan ni Coco Martin. Gumaganap siya rito bilang si Ellen Padua, na misis ng character ni Tirso Cruz III. Katatapos lang din siyang mapanood sa pelikulang ‘Paglaki Ko Gusto Kong Maging Porn Star,’ na pinagbidahan nila nina Alma Moreno, Maui Taylor at Rosanna Rocess. O di ba, may TV show na at may pelikula pa ang mahusay na aktres?

Sa usaping lovelife naman, natagpuan niya na finally ang right man sa buhay niya, sa katauhan ni Philippine International Trading Corporation (PITC) Undersecretary Dave Almarinez. Engaged na siya rito noong January 12 ng taong kasalukuyan. Ang kasal nila ay magaganap din this year.

Sa interview ni Ara sa Push.com, nagbigay siya ng ilang detalye tungkol sa nalalapit nilang kasal ni Dave. Ayon sa kanya, si Martin Nievera ang kakanta sa kanilang kasal.

“Si Martin matagal ko na ring kaibigan ‘yan. Lahat halos ng mahahalagang okasyon sa buhay ko present siya,” sabi ni Ara.

Ang nakababatang kapatid naman ni Ara na si Cristine Reyes, ang magiging isa sa kanyang matrons of honor. At ang kanyang five year-old daughter na si Mandy ay magkakaroon ng special participation sa kasal.

“Magiging little bride siya. Parang mini-me ko. Parang siya ‘yung mauunang mag-walk bago ako lumabas. Hindi ko pa alam ang sequencing, eh. Magmi-meeting pa lang kami,” aniya pa.

To Ara and Dave,our congratulations!

(HATAWAN by ROMMEL PLACENTE / BISTADODAILYNEWS.NET)