Breaking News, Showbiz

Ryan Bang feeling lucky sa Pinay gf; Inigo agaw-pansin sa ‘ASAP’

ISANG sorpresa para sa madlang pipol dahil in-acknowledge ni Ryan Bang ang karelasyon nitong si Kierstin Bautista, isang PInay, sa programang ‘It’s Showtime.’ Bihira lang kasi ang nakakaalam na mayroon na palang karelasyon si Ryan.

Sa nakaraang episode ng ‘It’s Showtime,’ pinasalamatan ng Korean host ang kanyang Pinay gf na si Kierstin for choosing him as her boyfriend.

Naging emosyonal pa nga  si Ryan on national television at nangako siyang hindi nagkamali si Kierstin sa pagpili sa kanya..

“Ikaw lang ang isang Pilipina na nakapansin ng halaga ko. Napakasuwerte kong tao talaga. Thank you Lord at talaga pinili mo ako sa dami ng nakapaligid sa ‘yo na mga friend, talagang ako pinili mo.Gagawin ko ang lahat para talagang tama yung desisyon mo na ako yung pinili mo.” ani Ryan.

Very understanding daw ang gf nito na kahit pandemic at hindi siya gaanong nakakaraket, still nandidiyan pa rin si Kierstin sa tabi niya.

“Gusto kong magpasalamat kasi dati nung bago pa lang kami, lagi tayo nagde-date sa labas. Lagi ako nagpapatawa sayo. Pero recently, meron din akong pinagdadaanan.” aniya.

May pabiro siyang mensahe sa gf,”Hindi tayo masyado kumakain sa labas. Nagtitipid din ako. Minsan di ako nagpapatawa sa’yo.” .

 Sabay kambiyo at nagsabing, “Parehas ka pa rin, di nagbabago. Balang araw babawi ako sayoI love you,”.

                                                            -*****

MISTULANG showdown ang mga posteng singers ng ‘ASAP Natin ‘To’ laban sa mga new generation singers last Sunday, March 14 episode sa ABS-CBN Sunday show na napapanood sa TV5, A2Z, iwantTFC at YouTube channel.

Unang nagpasiklab ang grupo nina Inigo Pascual, Clarisse de Guzman, Angeline Quinto at Nina  na umawit ng mga Beegees’ golden hits.

Sumunod ang grupo ng mga batikang OPM singers na sina Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Gary V., Erik Santos at Ms. Regine Velasquez-Alcasid na kinanta ang OPM medley at greatest hits ni maestro Louie Ocampo na siya ring nag-accompany sa kanyang piano.

Tila hindi kinaya ng kanilang ‘powers’, ng seasoned singers ang mga grupo ng kabataang singers dahil sa pagkukumpara ng mga viewers, tila nag-enjoy sila sa performances ng una.

Sa bagong ulat ng aming source, mas nag-trending daw ang mga talented singers na sina Inigo, Clarisse, Angeline at NIna  at sabi pa sa amin, takaw-pansin daw ang anak ni papa P., na si Inigo dahil nag-improve lalo ang kanyang looks.

“Ganda ng boses ni Inigo, pang-international, guwapo at flawless pa,”  kinikilig na chat ng isang netizen na si Jomy C., ng Tupi, South Cotabato. “

Sa totoo lang, ayon sa mga solid ASAP viewers, kay Inigo  lang daw, solved na ang kanilang panonood.

In fairness, ayon din sa aming kutob, malayo pa ang mararating ng batang Pascual na bukod sa batambata pa ay may kakaiba siyang timbre ng boses at karisma habang kumakanta.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)