Breaking News, Showbiz

Ruru Madrid summer pasabog ng Beautederm

THANKFUL ang Kapuso hunk at mahusay na actor na si Ruru Madrid sa pamunuan ng Beautederm lalung-lalo na sa napakabait at generous na CEO & President ng Beautederm na si Ma’am Rhea Anicoche-Tan dahil napili siyang mapabilang sa lumalaking 

pamilya ng Beautéderm Corporation.

“Very welcome addition si Ruru sa Beautéderm family. Isa si Ruru sa mga premiere leading men ng GMA-7 at isa siyang extremely gifted actor. Very strong at potent din ng kanyang online reach na perfect para sa Beautéderm. Nakakamangha ang kanyang professionalism at kindness. At napakasarap niyang katrabaho. Surely, this is the start of a wonderful partnership.” Ayon sa Beautéderm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan.

Halos isang dekada na si Ruru sa industriya at nagbida siya sa ilan sa mga top-rating series ng GMA-7, at ang pinakahuli ay ang ‘The Gift’ kung saan ginampanan niya ang papel ni Eloy. Sa ngayon, naghahanda si Ruru para sa  lead role ng nalalapit na GMA-7 primetime series na ‘Lolong’ – isang action-fantasy na itinuturing na pinakamalaking proyekto ng network to date. Sa ‘Lolong,’ magbibida si Ruru kasama sina Shaira Diaz at Arra San Agustin. Isa rin siya sa mga host ng ‘All Out Sunday’ (AOS) at paboritong miyembro ng OG Group ng naturang Sunday afternoon variety show.

“Isang privilege at honor na maging bahagi ng Beautéderm family. Grateful ako kay Ms. Rei Tan sa kanyang pagtitiwala sa akin na maging brand ambassador at di na ako makapaghintay sa mga exciting na projects na gagawin namin.” ayon naman kay Ruru.

Ang mga personal na paboritong Beautéderm products ni Ruru ay ang grooming essentials ng Spruce & Dash collection na kinabibilangan ng Beau Charcoal Soap, Lad Hair Pomade, Hugh Shaving Cream, Charcoal Charmer Face Mask, at Brawn Anti-perspirant White Spray – na mga produktong bahagi ng daily regimen ng batang aktor.

Dagdag pa ng guwapong binata, “Perfect ang Spruce & Dash collection ng Beautéderm sa aking very active lifestyle. Lagi akong on-the-go at lagi akong busy sa trabaho so I have to make sure that I look and feel my best every time I face other people. Binibigyan ako ng Spruce & Dash collection ng extra boost of confidence na aking kailangan especially when I am having a long day.

“ I start my day with a refreshing shower with Beau Charcoal Soap, a clean shave with Hugh Shaving Cream, sprits of Brawn for long-lasting freshness, and I cap-off my grooming by styling my hair with Lad. I reward myself with a hot bath at the end of the day with Beau and Charcoal Charmer to remove excess dirt from my face.”

Talaga namang maganda ang partnership between Beautéderm and Ruru, tunay na perfect combination ngayong summer at kahit na anong season – pareho silang fresh, hot, at utterly delightful.

At para sa mga iba pang balita at updates sa Beautéderm at kay Ruru, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)