Breaking News, Showbiz

Ruru Madrid bahagi na ng Beautederm family

NADAGDAGAN na naman ng panibagong ambassador ang sikat na beauty brand na Beautederm sa katauhan ng isa sa hottest young actors at top leading men sa showbiz na si Ruru Madrid.

Sa Instagram at Facebook post nga ng Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan ay masaya niyang winelcome sa pamilya si Ruru. “What a way to kick-off the summer season and the second quarter of 2021 — I am so happy to formally welcome to Beautéderm Corporation, one of the most talented and hottest young actors in the industry today — the one and only Kapuso hunk — Ruru Madrid!

“He is our newest Beautéderm Brand Ambassador and we are all excited to soar high with him! Watch out for his official Beautéderm Campaign!” ayon sa post ni Ms. Rhea.

Sa pagpasok ni Ruru sa Beautederm, nadagdagan na naman ang heartthrobs at magagaling na mga aktor ng brand na kinabibilangan din ng gaya nina Carlo Aquino, Arjo Atayde, Piolo Pascual, Dingdong Dantes, Ken Chan, Ejay Falcon, Enchong Dee, at Ryle Santiago.

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)