Breaking News, Showbiz

Ruru Madrid at Shaira Diaz ‘di nagmamadaling mag-settle down 

SIMULA ngayong Lunes (March 22) ay mapapanood na ang first installment ng ikalawang season ng groundbreaking drama series ng GMA Network na ‘I Can See You: On My Way To You’ na pagbibidahan nina Ruru Madrid at Shaira Diaz. 

Kuwento ito ng isang runaway bride na si Raki (Shaira) na pansamantalang titira sa isang mountain lodge kung saan makikilala niya si Jerrick (Ruru), isang misteryosong lalake na iniwan naman ng kanyang bride.

At dahil runaway bride ang theme ng kanilang episode, ibinahagi nina Ruru at Shaira ang kanilang opinyon pagdating sa pagse-settle down.

Ani Shaira, “Para sa akin, ‘yung marriage sobrang sacred. Sobrang inu-honor ko ito at madami akong goal bago ako pumasok sa ganun. Gusto ko siguradung-sigurado ako and ayoko ‘yung pabigla-bigla.”

Para naman kay Ruru, nais niya rin munang maabot ang kanyang goals sa buhay bago pasukin ang buhay may asawa, “Like ako, napaka-goal oriented ko na tao, napakarami ko pang gustong ma-achieve sa life, napakarami ko pang gustong matulungan sa buhay.”

Abangan ang rason kung bakit nga ba tinakbuhan ni Raki ang kanyang groom sa first episode ng second season ng ‘I Can See You na On My Way To You’ ngayong Lunes na, pagkatapos ng First Yaya, sa GMA-7.

            *****

Teaser ng ‘Nagbabagang Luha’ nagpasiklab online

       Usap-usapan sa social media ang ipinalabas na teaser ng upcoming GMA Afternoon Prime series na ‘Nagbabagang Luha’ tampok ang Kapuso stars na sina Glaiza de Castro at Claire Castro na nagpapalitan ng mabibigat na mga linya.

            Tumatak agad sa netizens ang pagbitaw ni Glaiza ng salitang “ipalilibing kita” sa co-star. Gagampanan niya ang karakter ni Maita sa GMA adaptation ng classic ’80s movie na ibinase sa comic novel ni Elena Patron noong 1988. Damang-dama raw nila ang galit at emosyon sa mga mata ng aktres. Ayon pa sa isang netizen, nakita raw nila kay Glaiza si Pirena, ang iconic role niya sa telefantasya ng GMA ng Encantadia.

            Makakasama rin nina Glaiza at Claire sa series sina Rayver Cruz, Mike Tan, Ms. Gina Alajar, Alan Paule, Archi Adamos, Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, Ralph Noriega, Karenina Haniel, Bryan Benedict, at Ms Jaclyn Jose sa isang espesyal na pagganap. Ang seryeng ito ay sa ilalim ng direksyon ni Ricky Davao.

Abangan ang nalalapit na pagsisimula ng pinakabagong programa na kahuhumalingan tuwing hapon, ang ‘Nagbabagang Luha’ sa GMA-7.

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)