Breaking News, Showbiz

Ruru at Shaira dagdag-kilig sa ‘The Lost Recipe’

IBANG klaseng kilig ang hatid ng Lolong lead stars na sina Ruru Madrid at Shaira Diaz sa trending GMA Public Affairs fantasy-romance series na ‘The Lost Recipe’ na pinagbibidahan nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda.

            Sa kanilang guest appearance sa GMA News TV primetime series, gumaganap sina Ruru at Shaira bilang Jordan at Julienne–isang couple na naghahanap ng caterer para sa kanilang nalalapit na kasal. Magtatagisan ng galing sa kusina sina Chef Harvey (Kelvin) at Chef Ginger (Thea Tolentino).

            Siyempre, di magkamayaw ang fans nina Ruru at Shaira. Sweetness overload nga raw dahil dagdag pa sila sa chemistry ng tambalang MiKel nina Mikee at Kelvin.

            Ibang level din kiligin ang kanilang ShaiRu shippers dahil napasama agad sa trending topic sa Twitter Philippines ang #ShaiRuONTLR noong nabalitaan nila ang cross-over ng dalawang Lolong stars.

            “#ShaiRuOnTLR made it to the top trending topics on Twitter last night. Hindi niyo kami binigo sa kilig crossover namin ni Shaira sa The Lost Recipe. Maraming salamat, Shaira Diaz Forever at syempre sa Rurunatics!,” ani ni Ruru sa kanyang Facebook.

            Marami pa raw aabangan sa ‘The Lost Recipe,’ kaya huwag itong palampasin tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m., sa GMA News TV.

                        *****

Chef JR Royol mapapanood sa cooking show na ‘Farm To Table’

Mas sasarap ang Pebrero dahil may bagong cooking show na handog ang GMA News TV – ang ‘Farm to Table.’

Tampok dito ang bagong Kapuso chef na si Chef JR Royol at ibibida niya rito ang iba’t ibang farms sa bansa at ituturo kung papaano makakalikha ng masasarap na putahe gamit ang fresh ingredients mula rito.

Itinuturing ni Chef JR na training ang pagho-host niya ng ‘Farm To Table,’ “I’m mostly excited about the information that I will get. Sabi ko nga po, I’m currently researching. The way I look at this project is para siyang hands-on training. For me, more than the exposure, I’m mostly excited with the knowledge na makukuha ko working with different people.”

Masaya rin daw siya na mas marami siyang matuturuang audience sa bagong cooking show na ito, “One of my practices is to really teach my staff before. Mas excited ako na mas malawak ‘yung audience na matuturuan ko with this show.”

Malapit nang mapanood ang ‘Farm To Table’ sa GMA News TV.

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)