Breaking News, Showbiz

Ron Angeles bida na sa BL series; Klinton Start nag-top sa klase  

BONGGANG-BONGGA ang career ngayon ng binansagang Pambansang Courier ng bayan na si Ron Angeles dahil after nitong sumikat sa season 1 ng blockbuster BL series na ‘Ben X Jim’ kung saan ginampanan nito ang role no Olan na isang courier ay nagkasunud-sunod na ang magagandang project na dumadating dito.

At kahit ‘di pa man umeere ang season 2 ng ‘Ben X Jim’ na may pamagat na ‘BXJ Forever’ ay bidang-bida ito sa  bagong BL Series na “Limited Edition” na hatid ni Jojo Bragais at Michelle Jhoie Ferraris at mapapanood sa Bragais TV.

Makakasama ni Ron sa Limited Edition sina Andrew Gan, Jomari Angeles, Donna Caraan, Best Actress Ruby Ruiz, Best Actress Iyah Mina, Michelle Jhoie Ferraris atbp. sa panulat ni Joni Fontanos, Directed by Jill Urdaneta, Produced By Jojo Bragais at Michelle Jhoie Ferraris.

Gagampanan daw ni Ron ang role ni Arnold na magiging third party sa relasyon nina Jethro na gagampanan ni Andrew (Gan) at Arnold na gagampanan naman ni Jomari (Angeles).

Sobrang thankful daw si Ron sa daming blessings na dumadating sa kanya ngayon nang mapasama siya sa BL series na Ben ‘X Jim,’ kaya naman nagpapasalamat siya sa producer ng nasabing BL series na Regal Entertainment at sa direktor nito na Direk East Ferrer na parehong pinayagan siya na gawin ang ‘Limited Edition’ kahit hindi pa pinalalabas ang ‘BXJ Forever.’

Nagpapasalamat din daw ito sa producers ng ‘Limited Edition’ na sina Jojo Bragais, Michelle Jhoie  Ferraris at sa direktor nito na si Jill Urdaneta na siyang pumili para mapasama sa nasabing BL series.

Bukod sa Limited Edition na mapapanood ngayong Pebrero sa Bragais Channel  ay nakatakda rin itong mapanood ngayong taon sa BXJ Season 2 at sa isang teleserye na mapapanood sa Net 25.

                        *****

            Klinton Start puro uno ang grades sa klase

KAHIT bago at medyo mahirap para sa Supremo ng Dance Floor na si Klinton Start ang online class, kung saan 1st year college sa Trinity University of Asia sa kursong Marketing Management ay nagawa nit ong mag top sa kanilang class.

Happy nga ang guardian ni Klinton na sina Ann Malig Dizon at Haye Start dahil halos puro uno ang grades na nakuha ni Klinton sa pagtatapos ng 1st sem kahit na nga may iba pa itong activities.

Pangako nga raw ni Klinton kina Ann at Haye  na magdo-double effort ito sa pag-aaral sa 2nd sem para ma-maintain niya ang mataas na grades.

At kahit nga busy ito sa pag-aaral ay nagagawa pa rin nitong mapagsabay ang kanyang pagso-showbiz kung saan katatapos lang nitong mag-taping ng noontime show ng Net 25 ang ‘Happy Time’ at mapapanood sa Feb. 02 (Tueday) 12 noon.

Naging part din ito sa 30 seconds grocery challenge ng MashBetter Mart na matatagpuan sa  37 green revolution st caa las pinas na pag-aari ni Bright Kho last January 31 kasama sina JB Paguio, Mama Emma at Janna Chu Chu ng Barangay LSFM 97.1. Habang nakatakda naman itong mag-taping ng bagong season ng SMAC Pinoy ito  na mapapanood aa IBC 13 ngayong buwan ng Pebrero.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)