Breaking News, Showbiz

Rodjun Cruz  at Liezel Lopez sa #MPK

KAABANG-ABANG ang pagganap ng Kapuso artists na sina Liezel Lopez at Rodjun Cruz sa panibagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman na ‘The Abused Pregnant Wife’ ngayong Sabado (Marso 13).

Isasabuhay nila ang kuwento ng isang buntis na babae na paulit-ulit inaabuso ng kanyang asawa at ng pamilya nito. Gaganap si Liezel bilang Aila na noong nagdadalaga ay na-diagnose na may polycystic ovarian syndrome. Dahil dito, maaga niyang natanggap na mahihirapan siyang magkaroon ng sariling mga anak.

Laking tuwa na lamang nila ng nobyong si Randy (Rodjun) nang malaman na nagbunga na ang kanilang pag-iibigan. Kahit na tutol ang pamilya sa kanilang relasyon, tatalikuran ito ni Aila para makasama ang minamahal na lalaki.

Ngunit makakaranas ng iba’t ibang klase ng pang-aabuso si AIla  sa poder ng pamilya ni Randy. Paano kaya mapapanatiling ligtas ni Aila ang sanggol na dinadala niya?

Makakasama rin nina Liezel at Rodjun sa episode na ito sina Glenda Garcia, Gilleth Sandico at Elle Ramirez. Abangan ang kapana-panabik na kuwentong ito ngayong Sabado, March 13, 8:00 pm sa ‘#MPK.’

            *****

Mga kababaihan bibida sa mga Kapuso abroad

Bilang pagdiriwang ng Women’s Month, buong pusong ipinagmamalaki ng GMA Network ang mga Filipina actress na tampok sa iba’t ibang programang mapapanood sa international channels ng GMA na GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV.

Tunghayan sa GMA Pinoy TV ang kapana-panabik na pagdating ng primetime series na “First Yaya” na pagbibidahan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez; at “I Can See You: On My Way To You” nina Ruru Madrid at Shaira Diaz, kasama sina Arra San Agustin, Gil Cuerva, Malou de Guzman, Ashley Rivera, na may special participation ni Richard Yap.

Kaabang-abang din ang pagbabalik ng tambalang RitKen sa nalalapit na “Ang Dalawang Ikaw.”

Marami ring handog na programa ang GMA News and Public Affairs tulad ng “Stories of Home” at “The Atom Araullo Specials: Gutom Sa Pandemya.”

Samantala, sa GMA Life TV naman ipalalabas ang inspiring na “Tunay na Buhay: Women’s Month Specials.” Mapapanood din sa “Reel Life Weekend” ang mga pelikulang “Banal” ni Bianca Umali, “Wild and Free” ni Sanya, “Black Lipstick” ni Kyline Alcantara, at “Laut” ni Barbie Forteza.

Dapat ding tutukan ng mga Kapuso abroad sa GMA News TV ang “iJuander Women’s Month Specials: Makabagong Mukha ng Kababaihan sa Bayan Ni Juan”, “Dalagang Pilipina”, at “Pinay Power.” Kasama rin ang ika-12 na season ng “Agripreneur” ni Jiggy Manicad.

Huwag palalampasin ang mga ito sa international channels ng Kapuso Network na GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV.

                        *****

Alex Diaz bilib sa professionalism ni Yasser Marta

Sobrang kumportable umano katrabaho ang Kapuso actor na si Yasser Marta ayon kay Alex Diaz, kahit pa intimate na ang scenes nila sa ikaapat na installment ng My Fantastic Pag-ibig na Fairy Tail Romance.

“For Yasser, I really commend his ability to make me comfortable on set. Ramdam mo lang sa kanya na sobrang wala siyang bias, wala siyang awkwardness. As in professional talaga siya magtrabaho,” aniya.

Ito ang unang BL project na ginawa ni Yasser at masaya siya na si Alex ang kanyang kauna-unahang on-screen partner sa genre na ito.

“Napaka-open lang talaga kasi namin ni Alex. Parang kahit magyakapan pa kami sa eksena. Tapos, may mga eksena pa dun na binubuhat niya ako sumasayaw kami at gumugulung-gulong sa beach. Pero para sa ‘kin, wala ‘yung ilang, wala ‘yung wall,” share niya.

Mapanonood na ang unang episode ng “Fairy Tail Romance,” ngayong Sabado, March 13. Tampok sa two-part special ang istorya ng pag-iibigan ng isang sireno na si Lantis (Alex) at isang mortal na si Nep (Yasser).

“Si Nep ang apple ng eye ni Lantis o siya ‘yung matagal nang crush si Nep. Pinagmamasdan niya while he’s own the beach ever since they were younger,” kuwento ni Alex sa kanyang interview sa 24 Oras.

Abangan ang panibago nanamang nating kakakiligan sa My Fantastic Pag-ibig presents: Fairy Tail Romance sa March 13 at 20, tuwing Sabado, 7:45 pm sa GTV.

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)