Breaking News, Showbiz

 Rocco Nacino nagamit ang pagiging nurse sa serye

MALAPIT sa puso ni Rocco Nacino ang karakter niyang si Dr. Kenneth Paul sa ‘Owe My Love.’ Sa #KPRGAsks ni Kapuso PR Girl, ibinahagi ng Kapuso actor kung paano niya nagamit dito ang kanyang nursing degree. 

“I felt loved when the production was there to ask me paano ba ginagawa ito [medical routines]. It was really nice to instill information and knowledge to the cast,” sabi niya.

Si Dr. Kenneth Paul ang guwapong doctor na ka-love triangle ni Doc Migs (Benjamin Alves) kay Sensen Guipit (Lovi Poe). After ng kanyang guesting sa patok sa rom-com series ng GMA Public Affairs, malamang ay paghahandaan na ni Rocco ang next project niya na “Artikulo 247” na kabilang sa halos 100 bagong programang ni-reveal ng GMA Network kamakailan lang. Makakasama ni Rocco sa serye sina Rhian Ramos, Mark Herras, at Jackie Rice.

Pero bago ‘yan, tutukan muna ang harapan nina Rocco at Ben para sa puso ni Lovi sa ‘Owe My Love,’ weeknights, 9:35 p.m., sa GMA Telebabad.

            ****

 Love triangle nina Heart, Paolo at Richard, kaabang-abang

KASADO na ang TV comeback ng Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista via the upcoming GMA series na ‘I Left My Heart in Sorsogon’ kung saan makakasama niya ang Kapuso actors na sina Richard Yap at Paolo Contis.

Excited na ang fans at viewers sa magiging kuwento ng nasabing show at sa mga karakter na gagampanan ng tatlo. Siguradong magiging espesyal din ito dahil bukod sa pagbabalik ni Heart sa paggawa ng serye, ito rin ang unang proyektong pagbibidahan ni Richard sa GMA.

Isa lang ito sa halos 100 na bago at talaga namang magagandang programa ng Kapuso Network na dapat abangan ng viewers!

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)