Breaking News, Showbiz

Robin gustong tularan ni Bidaman Johannes

UMAARANGKADA ngayon ang career ni BidaMan third placer na si Johannes Rissler. Ang 22 year old na Davaoeno ay nasa pangangalaga ng Mannnix Carancho Artist & Talent Management owned by Mannix Carancho ng Prestige International. Si Amanda Salas ang Marketing Director nito.

Inusisa namin ang unang project na nagawa niya?

Tugon ni Johannes, “Marami na, nagka BL series ako, ‘Ben x Jim’ ang pinakauna ko, ang role ko rito isa yung toxic na ex-boyfriend ni Teejay Marquez.”

Dagdag pa niya, “Nagkaroon fdin ako ng movie with Direk Easy Ferrer, under Star Cinema. Ang movie ay ‘The Soul Sisters,’ and lead stars dito is yung tatlong Momshies na sina Jolina Magdangal, Karla Estrada, at Melai Cantiveros, comedy siya. Hindi pa siya ipinapalabas, this year siya ipapalabas.”

Ano ang role niya rito?

“Iyong role ko, bodyguard ako ni Ms. Melai, basta funny siya, ayaw ko na lang ikuwento pero funny talaga siya, maganda yung kuwento,” nakangiting saad pa ni Yohan (nickname ni Johannes).

Banggit pa niya, “Napasok din ako sa Gen Z, sa TV5 siya na series. Gen Z, Generation Z, 1997-2015, so kuwento ng mga Gen Z ito. Iyong first episode niya is noong Saturday ipinalabas. Weekly siya, every 9pm ipinapalabas.”

Ang role raw niya rito ay toxic na naman. “Yeah, toxic na naman, nambubogbog, bully na naman ako, hahaha!”

Parang nalilinya siya sa role na bad guy?

“Hindi ko alam, pero yun yung dumarating na work sa akin, eh. So, wala… ibinibigay ko na lang ang best ko kung ano yung dumarating na role.”

Nasabi rin ni Johannes na okay lang daw sa kanya na sa kontrabida role malinya.

Aniya, “Okay lang, okay lang hindi ko naman din pinangarap na maging lead talaga, gusto ko lang na ma-maintain na may work lagi sa industriya.”

Ayon pa sa tisoy na aktor na may taas na 6’ 2”, gusto niyang gumawa ng mga action movie in the future tulad ng idol niyang si Robin Padilla.

(SILIP by NONIE NICASIO / BISTADODAILYNEWS.NET)