Breaking News, Showbiz

Ricky Gumera parang si Nora Aunor kung umarte

ANG baguhang aktor na si Ricky Gumera ay isa sa matinding contender for best new movie actor award  sa iba’t ibang award giving bodies for 2021 para sa  mahusay nitong pagganap sa pelikulang ‘Anak Ng Macho Dancer’ na hatid ng GodFather Film Productions ni Joed Serrano at sa mahusay na direksiyon ni Joel Lamangan.

Mistulang lalaking Nora Aunor ang dating ni  Ricky Gumera sa mga eksena nito sa ‘Anak Ng Macho Dancer’ na ipinalabas sa KTX.ph last January 30, 2021.

Sobrang lakas at maganda ang rehistro sa screen ni Ricky, artistang-artista ang dating niya at kahit  wala pang dialogue, sa mata pa lang umaarte na at basang-basa mo na  ang gusto niyang ipahiwatig sa eksena na traits ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor na mata pa lang umaarte na.

At kahit nga baguhan ito ay hindi ito nagpatalbog pagdating sa aktingan sa mga  mahuhusay at veteran stars na sina Cannes best actress Jaclyn Jose at A1 actor Jay Manalo at nagawa pa rin nitong mag-shine sa bawat eksenang naroon siya.

Tama nga si Mr. P (Joed Serrano)  ng Godfather Film Productions, ang producer ng ‘Anak Ng Macho Dancer’ na isa nga si Ricky sa nag-standout at talagang nakaarte sa nasabing pelikula.

At isa rin ito sa masasabi naming very promising actor na dapat abangan ngayong 2021 dahil kahit baguhan ay may lalim nang umarte katulad ni Allan Paule at Jay Manalo nung nagsisimula pa lang sa showbiz.

                        *****

Businessman type sina Ivana, Kim at Lovi

ANG Pantasya ng Bayan na si Ivana Alawi ang isa sa showbiz crush ng guwapong young businessman at CEO & President ng MushBetter Mart na si Bright Kho na siya ring makers ng masarap at healthy chips na Mushbetter Crispy Mushroom.

Ayon nga kay Bright, “Crush ko si Ivana kasi bukod sa maganda at sexy siya matulungin siya, napapanood ko sa youtube yung ginagawa niyang pagtulong sa mga kababayan natin. Plus points yun sa akin, kasi meron siyang ginintuang puso at bukas-palad sa pagtulong.”

Bukod kay Ivana ay showbiz crush din nito ang Kapuso actress na si Kim Rodriguez at Lovi Poe.

“Crush ko din si Kim (Rodrigue) kasi bukod sa maganda siya nagnenegosyo din siya, feeling ko marami kaming mapagkakasunduan dahil pareho kaming batang negosyante. Si lovi naman maganda at sexy siya at gusto ko yung morenang kulay niya Pinay na Pinay.”

Pagbibida naman ni Bright na maganda ang takbo ng kanyang negosyong tinaguriang Celebrity Mart dahil marami-rami na ring celebrities ang pumunta dito at sumubok sa kanyang 30 Seconds Grocery Challenge, kung saan nag-shopping ang mga ito sa loob ng 30 seconds at lahat nang makuha nila ay sa kanila na.

Ilan dito ay ang award winning actress na si Aiko Melendez, Kim Rodriguez, Ynez Veneracion, Chi-Chirita, Dj Janna Chu Chu at Dj Mama Emma ng Barangay LSFM, Klinton Start, Jb Paguio, Brenda Mage, Jake Vargas, Inah De Belen atbp.

Wish nga nito na balang araw ay makapasyal din sa kanyang Mush Better Mart ang kanyang showbiz crush na sina Ivana at Lovi. Soon nga daw ay balak nitong palakihan pa ang kanyang mart at maghanap ng iba pang lugar na tatayuan nito.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS,NET)