Breaking News, Showbiz

  Ricky Gumera at Miko Pasamonte nagbati na, pamilya na kasi sila  

BAGO pa man lumala ang sunog na nilikha ng diumano ay away sa pagitan nina Ricky Gumera at Miko Pasamonte, nagbati na ang mga ito noong isang araw. As simple as that. Katuwiran nila, “Pamilya na po kasi kami, e…”

            Sina Ricky at Miko ay kapwa bituin ng ‘Anak Ng Macho Dancer’ at ang away ay sumentro sa producer ng movie na si Joed Serrano. Nagkaselosan ba ang mga ito dahil sa pagbabawal ng isa na huwag tawaging babe si Joed? ‘Humaba’ ba ang hair ni Joed at pinag-aagawan siya ng dalawa niyang artista gayong lantarang mayroon siyang nobyong matikas na pulis?

            Anyway, sabi nga namin, bago pa kumalat ang apoy ng giyera nina Ricky at Miko, nagkaayos na ang mga ito, nagbati, at ngayo’y magkatabi pa silang nagpainterbyu sa amin, masaya nang nagsasalita tungkol sa isa’t isa.

            “Opo, we are like family. Ang totoo po, nalulungkot kami kapag nagkakahiwa-hiwalay na, ganoon na po ang bonding namin sa isa’t isa!” say ng mag ito.

            Humarap na nga sa genral presscon ang mga bida ng ‘Anak Ng Macho Dancer’ kagabi, ika-21 ng Enero, 2021, sa pangunguna ni Sean de Guzman, kasama sina Ricky Gumera, Charles Nathan, Mhack Morales at Miko Pasamonte. Ang much talked-about movie na ito, from Godfather Productions ni Joed Serrano and directed by Joel Lamangan ay ipalalabas na sa KTX.PH, simula sa Enero 30.

            Sa mga naunang publisidad ng pelikula, nalaro na ang usapin ng tungkol sa mga daring nilang eksena, ang mga lovescenes na nakababaliw, threesome, orgy, lamasan, bosohan, etc, etc, but of course it won’t just settle on that dahil ito ay mula sa direksyon ni Joel Lamangan at kilala naman nating premyado ang direktor. Bukod dito ay mahuhusay na artista ang sumusuporta sa kanila – Jaclyn Jose, Alan Paule, Rosanna Roces, atbpa. Kumbaga, the movie will titillate your imagination and at the same time will give you a story that is timely and relevant to our lives.

Napanood na namin ang ilang part ng trailers at talagang malakas ang hatak nito para panoorin ng publiko. In this pandemic time, let’s all relax and watch a movie. Hindi man tayo nakapupunta sa mga sinehan ngayon dahil sa kasalukuyang sitwasyon, still we can sit and relax in our own house and watch ‘Anak Ng Macho Dancer’ with he family.

(TIK AT TIK by SANDY ES MARIANO / BISTADODAILYNEWS.NET)