Breaking News, Showbiz

Richard Quan pinuri ang ‘Bagong Umaga’ co-actors na sina Tony Labrusca at Yves Flores

AMINADO ang magaling na aktor na si Richard Quan na nakakapanibago at challenging noong una ang pagtatrabaho sa isinasagawa nilang lock-in taping sa kinabibilangan niyang Kapamilya teleseryeng ‘Bagong Umaga.’ Pero nakapag-adjust din daw siya at ang buong cast.

“At first, hindi mo alam what to expect because of the pandemic, lock in at syempre yung wala na ang franchise ng ABS-CBN. Pero generally, after a few tapings, makaka-adjust ka na sa new normal, at isa ito sa mga memorable experience in my 27 years of acting,” sabi ni Richard nang ma-interview namin siya sa Messenger.

Bumilib din si Richard sa buong cast ng ‘Bagong Umaga.’ Aniya, “Yung focus at yung effort nila na mag-improve at yakapin yung challenge at pressure, nakakabilib talaga. Despite na malaki ang expectation at may malaking pressure, makikita mo pa rin yung concentration sa kanila… at yung positive result. And I also have to give credit sa producers, directors, writers, staff and crew, nilagay nila kami sa maayos na situation, lahat tulong-tulong, at appreciative sa binigay sa aming oppurtunity. This is one of the best experiences sa acting career ko, despite the pandemic and the ABS-CBN situation.”

Sa mga kabataang artista na mga bida ng serye, mas madalas niyang makaeksena sina Tony Labrusca at Yves Flores. Gumaganap si Tony bilang pinalaki niyang anak pero hindi pala niya totoong anak. Naipagpalit kasi sila sa ospital ni Yves na totoong anak nina Richard at Bernadette Allyson.

Ano ang masasabi ni Richard kina Tony at Yves? “Pareho silang pangalawang beses ko na maka-work. Malaki yung pressure sa kanila bilang lead actors ng Bagong Umaga. Magkaiba ng personalidad at process sa pag-arte pero parehong effective. At saka sa laki ng demand ng characters nila sa BU, after this mas lalo sila magiging competent actors. All praises ako sa kanilang dalawa.”

Sa serye, hindi siya naging mabuting ama kay Tony. Kaya ang tanong namin kay Richard, minsan ba naiinis rin siya sa role niya sa show pag pinapanood niya na sa TV? “Hindi talaga ako nanonood ng mga ginagawa ko, unless premiere night, or the producer or director ask me because of some technical aspect. Sa mga pagkakataon na nakakapanood ako, di naman ako naiinis sa character. Naiinis lang ako pag hindi ko na-perform nang maayos or pagkapanood ko feeling ko puwede ko pa i-improve. Pero bihira yun kasi bihira ko lng mapanood mga ginagawa ko.”

Mapapanood ang ‘Bagong Umaga’ mula Lunes hanggang Biyernes ng hapon pagkatapos ng It’s Showtime sa Kapamilya Channel sa cable, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, A2Z Channel sa free TV at sa iWant TFC.

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)