Breaking News, Showbiz

Richard pangarap na makatrabaho si Heart ; Sanya walang DOM suitor

ISA ang Kapuso actor na si Richard Yap sa magiging leading men ni Heart Evangelista sa upcoming series ng GMA na ‘I Left My Heart in Sorsogon.’

Kuwento ni Richard, na-excite raw siya nang malaman na magtatambal sila, “Of course, I was really very surprised that they offered to pair me with Heart because that was one of my wishes, one of the things on my wishlist, working with Heart. Noong sinabi sa akin, I was very happy to know about it and this is something that I really look forward to.”

            Sa ngayon ay abala si Richard sa paghahanda sa kanyang magiging role. Siguradong kapana-panabik ito kaya huwag papahuli sa mga updates, Kapuso!

            *****

            Sanya walang DOM suitor

Patuloy na umaarangkada sa ratings game ang ‘First Yaya’ ng GMA kung saan lead role si Sanya Lopez.

At dahil wholesome ang show, masasabing pahinga muna si Sanya sa pagpapa-sexy.

Bukod dito hindi naman daw talaga carry ni Sanya na magpaseksi nang todo.

“Opo, hindi pa naman po talaga kaya, pero…sabi nga nila, kung bibigyan man po ako nila ng another movie na medyo sexy nga daw po, evertime na tinatanong nila ako, lagi kong sinasagot na depende pa rin po sa istorya, depende pa rin po sa istorya at depende pa din po sa mga managers ko, sa nagma-manage po sa akin, at depende din po sa akin.”

Samantala, masayang-masaya naman ang nakatatandang kapatid ni Sanya na si Jak Roberto sa relasyon nito kay Barbie Forteza.

Paano kung biglang magsabi ang dalawa na magpapakasal na ang mga ito?

“E di go,” bulalas ni Sanya. “Kung kaya ninyo na, kung kaya ninyo ng mabuhay dalawa, e di go!’

“Pero kung hindi pa naman, enjoy-in ninyo muna, huwag muna kayong magmadali, kasi mas masaya na… ibang klase na pag kinasal na kayo, ibang buhay na ‘yun.”

Mahigpit bang kapatid si Jak?

“Nung mga siguro fifteen ako, fourteen-fifteen, hanggang seventeen, actually hanggang twenty ako, sobrang higpit talaga ni Kuya.

“Kasi parang napi-feel niya na hindi pa time para magkaroon ako ng boyfriend, so ngayon naman sinasabi niya na sa akin na, ‘Malaki ka na, alam mo na ‘yung… alam mo na kung paano kontrolin ‘yung sarili mo, basta alagaan… nandiyan ka na e, basta alagaan mo lang kung anong meron ka’.”

Hindi na siya masyadong binabantayan ng kapatid niya.

“Ngayon po hindi na, pero lagi niya lang sinasabi sa akin na, ‘Ingatan mo lang ang lahat ng meron ka, importante pa din na mahalin mo ‘yung sarili mo’.”

Nag-aaway pa ba silang magkapatid?

“Ang pinaka-away lang naman naming dalawa ‘yung hindi ako masyadong… ’yung may naiiwan akong bimpo o kaya simpleng bagay lang.”

Mas maimis sa gamit si Jak sa kanya?

“Opo, mas ganun siya, like for example may naiwan lang ako na suklay, ‘bakit mo iniwan ‘yung suklay?’

“Ganyan, ‘yun lang,” ang tumatawa pang kuwento ni Sanya.

May DOM (dirty old man) na ba na nanligaw kay Sanya?

“Wala po, or wala lang po akong alam…wala po talaga.”

Kahit paramdam?

“Wala po.”

Ang ‘First Yaya’ ay si Sanya (bilang si Melody Reyes) ang yaya o nanny ng mga anak ng  Presidente ng bansa na ginagampanan naman ni Gabby Concepcion (bilang Glenn Acosta).

Gumaganap din dito sina Joaquin Domagoso bilang si Jonas na love interest ni Niña Acosta na ginagampanan naman ni Cassy Legaspi.

Napapanood sa GMA  Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng gabi, ang ‘First Yaya’ ay nagtatampok rin, bukod kina Sanya, Gabby, Cassy at JD, kina Pancho Magno (Conrad Enriquez), Pilar Pilapil (Blesilda Acosta), Gardo Versoza (Congressman Luis Prado), Glenda Garcia (Marni Tupaz), at Sandy Andolong (Edna Reyes).

Nasa ‘First Yaya’ rin sina Boboy Garovillo (Florencio Reyes), Cai Cortez (Norma), Kakai Bautista (Pepita), Thia Tomalla (Val), Anjo Damiles (Jasper), Clarence Delgado (Nathan Acosta), Thou Reyes (Yessey Reyes) at sina Kiel Rodriguez, Analyn Barro, Jerick Dolormente, Princess Aguilar, Muriel Lomadilla, Nicki Morena, Allen Dizon, Frances Makil-Ignacio at Mikoy Morales.      Ang ‘First Yaya’ ay sa direksyon nina LA Madridejos at Rechie del Carmen.

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)