Breaking News, Showbiz

Rich and Famous sa Dubai nabighani sa ganda ni Kim Rodriguez

NAG-ENJOY daw nang husto ang  Kapuso actress  na si Kim Rodriguez sa kanyang bakasyon sa Dubai kamakailan kasama ang mga kaibigang siina Ynez Veneracion  at Chitchi Rita.

Maraming magagandang lugar daw sa nasabing bansa ang napuntahan at nagpamangha kay Kim at may mga sikat na tao raw siyang nakilala at nakasama sa Dubai.

Kuwento nga ni Kim, “Sobrang saya po ng bakasyon namin (Ynez at Chichi Rita) sa Dubai sobrang maraming magagandang lugar ang puwede mong puntahan. Ilan sa napuntahan namin ang Burj Khalifa- tallest structure and building jn the world, ang  Miracle garden-world’s largest natural flower garden, dessert safari atbp.

“Na-meet ko rin si Normando Macalinao, multi-awarded Filipino magician  at si Don Casanova, social media star sa Dubai and luxury car collector. He has 56 luxury cars sa Dubai.  Grabe  si Don Casanova, dalawa lang sila merong bugatti sa Dubai na worth 560m pesos, sobrang yaman talaga.

“Bale ininvite niya kami sa mansion niya, nakakaloka mga sasakyan niya sobrang expensive. May  sarili din siyang bar, swimming pool, theater, nakakaloka! Pero kahit sobrang yaman niya mabait siya, bale isa siyang Indian na naka-base sa Dubai. Sobrang nakapagpahinga at na-recharge talaga ako sa bakasyon namin sa Dubai kaya naman ready na akong magtrabaho ulit.”

Bukod nga sa regular itong napapanood sa “The Lost Recipe“ na napapanood sa News TV ay kaliwa’t kanan din ang guesting nito sa iba’t ibang shows ng Kapuso Network at hands on din ito sa kanyang mga negosyo, kung saan meron itong franchise ng I Love Milk Tea, boutique at  may sarili rin itong binibentang relo, ang Levitikus Watch na bago niyang negosyo.

            *****

Arjo Atayde at JC Santos gustong makatrabaho ni Andrew Gan

Ang mahusay na award-winning actor na sina Arjo Atayde  at JC Santos ang dalawa sa mga aktor sa bansa  na paborito ni Andrew Gan at gusto niyang makasama sa isang proyekto.

Kuwento nga ni Andrew, “Isa sa paborito ko talagang actor na gusto kong makatrabaho at gusto kong sundan ang yapak ay si Arjo Atayde, ang galing niya kasing umarte kahi’t anong role na ibigay mo sa kanya nagagawa niya nang buong husay. Kaya alam kong marami akong matututunan sa kanya kapag nakatrabaho ko siya sa isang proyekto.

“Bukod kay Arjo, isa pa sa hinahangaan ko si JC Santos, katulad ni Arjo mahusay din siyang aktor, isa din siya sa gusto kong makatrabaho someday.”

Sana nga raw ay mabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho ang dalawa sa itinuturing na mahusay na aktor sa kanilang henerasyon  at ito raw ang kukumpleto sa kanyang pangarap.

Pero sa ngayon daw ay busy si Andrew sa promotion ng pinagbibidahan niyang BL series na ‘Limited Edition’ kung saan ginagampanan dito ni Andrew ang character ni Jethro na mai-in love kay Mario na ginagampanan ni Jomari (Angeles). Very challenging at kakaibang role daw ang gagampanan dito ni Ron kumpara sa mga proyektong nagawa na niya.

Makakasama ni Andrew sina Jomari Angeles, Ron Angeles, Donna Caraan, Best Actress Ruby Ruiz, Best Actress Iyah Mina, Michelle Jhoie Ferraris atbp. sa panulat ni Joni Fontanos, directed by Jill Urdaneta, produced by Jojo Bragais at Michelle Jhoie Ferraris at mapapanood sa  Bragais TV (Youtube) ngayong March 2021.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BOSTADODAILYNEWS.NET)