Breaking News, Showbiz

Rhian Ramos nag-renew ng kontrata sa GMA Network, 15 years nang Kapuso

LABIS ang pasasalamat ni Rhian Ramos sa patuloy na pagtitiwala at pagbibigay ng mga proyekto sa kanya ng Kapuso Network sa mahigit labinlimang taon niyang pagiging talent ng GMA Network. 

Noong February 19, 2021 nga ay pumirma ng renewal exclusive contract si Rhian Ramos sa GMA Network Building kasama ang ilan sa top executives ng network na sina GMA Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, GMA Vice President for Drama Productions Redgie Acuña-Magno, GMA Vice President for Business Development Department III Darling de Jesus-Bodegon, GMA Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, GMA Assistant Vice President for Drama Productions Cheryl Ching-Sy, Senior Administrative Manager Phobel Yraola, Senior Program Manager Charles Koo at ang manager ni Rhian na si Michael Uycoco.

“I feel so lucky that I get to live my dream and continue to live my dream with the station that supports me and it feels so right because GMA is my home, they’re my family. I feel comfortable here. I feel well-guided and taken cared of. I’ve been here for 15 years already and loyalty is a value that I really appreciate in others and I also try to emulate it myself. I feel that GMA has also been so loyal to me through the years with all the opportunities and guidance they’ve given me,” ayon kay Rhian Ramos.

Nagsimula si Rhian sa GMA 15 years ago pagkatapos siyang makita ng publiko sa isang fastfood chain restaurant commercial. Napansin at pinahanap siya ng President ng GMA Films pa noon na si Ms. Anette Gozon-Valdez. Si Rhian ay nabigyan ng pagkakataong maging leading lady sa GMA Network’s ‘Captain Barbel’ hanggang sa nagsunud-sunod na ito hindi lang bilang leading lady kung hindi bilang bida rin at title role sa mga Kapuso teleserye tulad ng Philippine adaptation ng ‘Stairway To Heaven’ at sa ‘La Lola.’ Gumanap din siya ng mahahalagang roles sa mga shows na ‘The Rich Man’s Daughter,’ ‘The One That Got Away,’ ‘Ilumina,’ ‘Sinungaling Mong Puso’ at marami pang iba.

Sa pag-renew ni Rhian ng kontrata gusto niya na mas mabigyan ng hosting jobs at mag-host ng sariling show. “I am looking forward to doing more hosting. The reason why I really want to host more moving forward is because, I’ve done many hosting shows in GMA before. But as I’m getting older and as I grow, I feel much more comfortable and confident with myself that it’s really fun to just experience something with the audience kasi that’s what hosts do.” ani Rhian.

Sa kasalukuyan ay napapanood si Rhian sa Kapuso primetime series na ‘Love of My Life’ kasama sina Carla Abellana, Mikael Daez at Ms. Coney Reyes. Marami rin siyang guesting sa iba pang shows ng GMA.

Bukod sa kanyang social media accounts, matutunghayan din si Rhian sa kanyang YouTube channel na ‘whianwamos,’ kung saan ang most viewed video niyang ‘The Dumaguete Vlog (Part 2)’ ay mayroon ng mahigit sa 2.8 million views. Bukod doon, ang nagawa niyang mga pelikula at series ay nasa digital streaming na Netflix na, kung saan mapapanood ang mga projects niyang ‘Saving Sally,’ ‘How She Left Me (Kung Paano Siya Nawala)’ and ‘I Can See You: A GMA Series.’

Samantala, sa 15 years ni Rhian sa entertainment industry ay hindi na iba sa kanya si Michael Uycoco na ngayon ay tumatayong manager niya sapagkat sila ay magkasama na mula pa noong nag-uumpisa pa lang si Rhian sa GMA. Bukod kay Rhian ay kapatid din niya sa Talent Management ni Michael ang GMA Click Barkada na si Maybelyn Dela Cruz-Fernandez; ang dating Kapuso Tween Star na si Joshua Dionisio at ang kapatid nito na si Jacob Dionisio; at ang singer, actor, kauna-unahang winner sa GMA Metro Pop, at vocalist ng Hotdog na si Miles (Miles Poblete).

Congrats Rhian and Michael!

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)