HINDi man naging maganda ang taong 2020 sa maraming Pilipino dahil sa  Covid 19 Pandemic at sa mga  kalamidad na dumaan sa ating bansa ay naging mabait naman ang 2020 sa ilang mga Pinoy at isa na rito ang napaka-generous, matulungin at mabait na CEO & President ng Beautederm na si Rhea Anicoche Tan na  humakot ng awards  last year.

Isa rito ang pagkakapili sa kanya ng People Asia Magazine na mapabilang sa 12 outstanding and amazing women para sa taunang parangal nito, ang Women Of Style & Substance.

Na sinundan naman ng PinakaPasadong Huwaran sa  Serbisyo Publiko 2019-2020 mula sa Gawad Dangal ng Pasado 2019-20

At ang Pangatlo ay bilang  Outstanding Businesswoman of the Year 2020 na iginawad ng Laguna Excellence Awards 2020.

Karapat-dapat ngang bigyan ng papuri at parangal si Ma’am Rhea Anicoche-Tan dahil na rin sa ginintuang puso nito at bukas ang palad sa mga taong nangangailangan ng tulong.

Kaya naman sa dami ng parangal na natanggap nito last year ay masuwerte at matagumpay  din ang negosyo nito.

Ayon nga kay Ms Rei habang lumalaki ang kanyang negosyo ay mas marami siyang mga kababayan nating mabibigyan ng trabaho at matutulungan.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)