Breaking News, Showbiz

Rey Valera at Jos Garcia sanib-puwersa sa isang proyekto

MAY bagong single under Viva Recods entitled ‘Nagpapanggap’ angisa sa most sought-after Filipina performers in the Kansai Region in Japan at versatile singer na si Jos Garcia.

Ang awiting ‘Nagpapanggap’ ay mula sa komposisyon ng legendary singer/composer na si Rey Valera at prinodyus ni Civ Fontanilla.

Ayon nga kay Jos, “The song is about pretension and acceptance despite knowing the fact that the person you love does not have the mutual feelings in return.”

Malaking karangalan nga raw kay Jos ang makatrabaho ang hitmaker na si Rey Valera sa kanyang lalabas na bagong album.

Ikinuwento pa nga nito kung paano sila nagkakilala ng mahusay na composer/singer, “It was sometime in 2018 when I first met the Icon himself, Tito Rey Valera. We became good friends that the legendary singer/composer allowed me to sing several of his compositions for me to use for my intended return in the Philippine music scene. I am truly grateful to Tito Rey for believing in my talent. 

“He allowed me to sing some of his musical compositions that are never been released to the public. He is such a kind-hearted person to the extent that despite his busy schedule, he makes time to meet me every time I visit the Philippines.” 

Sobrang humble nga raw ni Rey at very down to earth at hindi madamot na i-share ang kanyang nalalaman sa musika mula sa tamang pronunciation ng words kapag kumakanta kasama na ang tamang emosyon na kinakailangan sa isang awitin, para maramdaman ng mga nakinig ang mensahe ng kanta.

Maaalalang si Jos ang singer behind the hit song na “Ikaw Ang Iibihin Ko“ na hangang ngayon ay patuloy pa ring nire-request sa iba’t ibang radio stations at patuloy na inaawit ng nga Pinoy sa buong mundo.

 Bukod  nga sa awiting ‘Nagpapanggap’ ay may mga songs daw na si Rey ang nag-compose na ire-record ni Jos at isasama sa kanyang album. At kahit nga busy ito sa dami ng kanyang gig sa Japan ay nakatakda naman nitong i-shoot ang music video ng kantang “Nagpapanggap“ ngayong Pebrero.

                        *****

            Cast ng ‘Limited Edition’ swak sa kanilang role

Masayang- masaya ang  CEO & President ng Bragais Shoes at Bragais TV na si Jojo Bragais dahil perfect daw ang casting ng BL series na “Limited Edition“ ang kauna-unahang BL series na kanyang prinodyus at mula sa direksiyon ni Jill Urdaneta.

Ayon nga kay Jojo na swak na swak daw sa kani-kanyang role sina Andrew Gan, Jomari Angeles at Ron Angeles na siyang mga bida sa nasabing BL series.

Pare-pareho raw kasing mahusay na aktor ang tatlo na siyang requirements nito sa magbibida sa kanyang kauna-unahang produced na BL series.

Makakasama daw nina Andrew, Ron at Jomari sa “Limited Edition” ang mahuhusay na artista sa bansa na sina Ruby Ruiz, Iyah Minah, Donna Cariaga, atbp.

Bukod sa “Limited Edition“ ay napapanood na rin sa kanyang Bragais TV ang  kanyang game show na “Ready Get Set.”

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)