Breaking News, Showbiz

Revival King Jojo Mendrez revives Julie Vega’s ‘Somewhere In My Past’

IT’S official! Ang Revival King na si Jojo Mendrez  ang magre-revive ng ‘Somewhere In My Past,’ isang hit song na pinasikat ng yumaong singer-actress na si Julie Vega noong 80’s.

            Sa isang live FB announcement noong Miyerkules, ika-13 ng Enero, 2021, inihayag na nga ng composer ng awitin, si Mon del Rosario, na si Jojo ang napili niya. Out of several auditioneses na pinagpilian para rito, ang mapalad na si Jojo ang ani Del Rosario ay siyang akma sa hinahanap nilang qualities.

            As far as early December, the announcement on the search for who will revive the song came in, nabalitaan naming maraming natangka to try out, lalaki at babaing singers. Siyempre naman ay malaking factor para sa isang singer ang makapag-revive ng isang kantang mayroon nang sure market. ‘Somewhere In My Past’ was a hit, hanggang sa mga panahong ito ay kinakanta-kanta pa rin ito, so sure kaming may sure market na si Jojo rito.

            Bukod dito, he just came in right, dahil he is called Revival King. He has made several revival hits, at puwede na niyang panindigan iyon by remaking hit songs in the past. And pushing this through, naniniwala kaming it will add another feather on hs cap. Afterall, Jojo Mendrez was just awarded in the just concluded Star Awads For Music by the PMPC.

            Good luck, Jojo Mendrez. We can’t wait to hear your version, dahil all these years, we’ve been hearing this song na ang umaawit ay babae. It would be interesting to note that this time, a male singer will sing this, in another flavor, in another version.

(TIK AT TIK by SANDY ES MARIANO / BISTADODAILYNEWS.NET)