Breaking News, Showbiz

Regine, Lani, Jed, Morisette, Rey gustong maka-colab ni Jos Garcia

ANG mahuhusay na local singers  na sina Jed Madela, Lani Misalucha, Regine Velasquez, Morissette at Philippine music icon Rey Valera ang mga gustong maka-colab at makasama sa isang konsyerto ng Intenational singer na Superstar sa Japan na si Jos Garcia.

Ayon nga kay Jos, “Nakita ko ssi Jed na kumakanta ng mga classical and operatic music. And katulag ni Jed,  mahilig din ako kumanta ng classical and theatrical music, naisip ko lang na bagay ang boses namin if ever mag-duet po.

“Bukod kay Jed gusto ko rin si Ms Lani Missalucha. Idol ko kasi siya, sobrang galing kumanta, and of course ang ultimate idol ko na si Ms  Regine Velasquez na hindi rin matatawaran ang husay sa pag-awit.

“Among millenial singers naman, ang gusto kong maka=colab or makasama sa isang konsyerto ay si Morissette Amon, gusto ko rin yung style niya sa pagkanta and mahusay din siya. Tsaka sina Regine at Morissette halos  pareho kami ng genres, and gusto ko yong the way they sing especially pag-ballad.”

At kung sakali raw na meron siyang isang artist na pangarap na kantahin ang  isa sa kanyang komposisyon ay walang iba kung hindi si Regine.

“Karaniwan kasi sa komposisyon ko ay ballad kaya na-visualize ko lang po na bagay iyon kay Regine Velasquez, dahil yong tunog po ng boses niya na super silky smooth ang dating sa pandinig ay bagay na bagay ang ballad kaya swak yung mga songs ko sa kanya. Hopefully sana magkatotoo  at ibigay ni Lord  na makasama ko sila at maka-duet at makasama sa isang konsyerto, At magawan ko ng kanta si Regine, dream come true para sa akin yun.”

Sa ngayon ay busy si Jos sa Asian Promotions ng kanyang new song na “Nagpapanggap“ na mula sa komposisiyon ni Mr Rey Valera under Viva Music.

Isa pa nga raw sa pangarap ni Jos ang makilala pa ang mga songs na ire-release niya this year kasama na ang mga sarili niyang  komposisyon tulad ng kanyang monster hit song na ‘ Ikaw Ang Iibigin Ko’ na mula sa komposisyon ni Michael De Lara.

            *****

Dating host, negosyante na

PANSAMANTALANG iniwan ng Philippine Survivor at former host ng ‘Born To Be Wild’ na si Kiko Rustia ang showbiz at nag-concentratate sa pagnenegosyo kasama ang kanyang magandang may bahay na si Cams.

Isa sa negosyo ni Kiko at Cams kasama ang kanilang mga kaibigan, ang G Side Bar na matatagpuan sa kahabaan ng Tomas Morato Quezon City.

Ayon nga kay Kiko nang makausap namin nang maimbitahan kami ni Tita Len Carillo, ang CEO/President ng 3:16 Event and Talent Management kasama ang kanyang mga alaga kamakailan, “Humina kasi yung mga proyekto sa showbiz and lumalaki na mga anak namin  kaya nag-isip na ako ng kung ano ba ang mga puwedeng gawin at isa nga ito sa naisip namin ni Cams (asawa ni Kiko ).”

Napakasosyal  and cozy ng  bar kaya naman di kami magtataka if maraming mga kabataan ang mawiwiling pumunta rito, bukod sa mura at masarap ang kanilang pagkain at mabait ang kanilang mga staff. Sinusunod din nila ang health protocol kaya naman sigurado kang safe kapag naroroon ka, may mga umiikot na bouncer para paalalahanan ang lahat ng social distancing at maging ang kanilang DJ ay paulit-ulit na ina-aanounce ang  social distancing at kapag magsi-CR or lalabas ay kailangang magsuot ng face mask.

Starstudded nga ang gabing naroon kami dahil  nandoon ang  bida sa ‘Anak Ng Macho Dancer’ na si Sean De Guzman at mga bida ng ‘Silab’ na sina Marco Gomez at Cloe Barreto, Starstruck Avenger at Kapuso Actor na si Karl Aquino, baguhang actor na sina Ethan at Gelo atbp.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)