Breaking News, Showbiz

Regine emosyonal na nagpasalamat sa big success ng Freedom concert

BUTI na lang VIP e-ticket ang ibinigay sa akin ng PLDT Home at Stratworks para sa Freedom digital concert ni Asia’s Songbird Regine Velasquez. Isa ang PLDT Home sa sponsors ng concert. Kaya naman nagkaroon kami ng VIP access para sa meet and greet via Zoom ni Regine after ng concert, kung saan nasaksihan namin ang mahaba at emosyonal na pasasalamat niya para sa malaking tagumpay ng Freedom.

“Nagpapasalamat akong muli sa inyong lahat for watching Freedom. Oo, mahirap mag-concert pag 50 ka na. Na-realize ko rin,” biro ni Regine. “But I’m really happy that we were able to do this concert. Naiiyak ako. Thank you guys! Hindi ninyo alam habang pinapanood niyo ako, pinapanood ko rin kayo. No, really, thank you so much for being with us tonight. I hope you liked the show we have prepared for all of you.”

Masuwerte yung mga VIP ticket holders dahil may mga nabigyan pa ng pagkakataon na makausap si Regine via Zoom at makapag-request ng kanta. So, ibig sabihin walang kapaguran si Regine dahil kumanta pa siya hanggang sa meet and greet. Marami sa mga nakausap ni Regine ay talagang supporters na niya. Mayroon ding foreigners mula sa UK at Malaysia na bumilib sa galing kumanta ni Regine.

Karamihan sa kanila sinabi na paborito nila ang ‘On The Wings of Love’ duet ni Regine sa sarili niya. Kahit ako nagustuhan ko iyon kasi ang bonggang mapanood na ka-duet at kabiritan ni Regine ang sarili niya. That’s the magic of technology.

Bongga rin yung duet ni Regine with her special guest na si Bamboo for the song ‘Himala.’ Sa tagal nila sa showbiz pati na magkasama sa ASAP ay first time lang maging guest ni Regine sa isang concert si Bamboo.

Siyempre bukod sa sarili niyang mga kanya, binigyan din ni Regine ng sarili niyang bersyon ang mga kanta nina Britney Spears, Madonna, Adele, Ben&Ben, The Juan’s at iba pa.

May special tribute din si Regine para sa mga yumaong mahal niya sa buhay, mga kaibigan at ilan pang personalidad lalo na iyong mga yumao sa panahon ng pandemya.

Hanggang sa bago matapos ang meet and greet ay pasasalamat pa rin ang namutawi sa bibig ni Regine kasama ang hiling at dasal na sana ay matapos na ang pandemya at makapag-concert ulit siya with live audience.

“Thank you so much! Please stay safe guys. Sana magkita-kita ulit tayo nang live. Sana matapos na itong pandemyang ito para makita ko kayong muli. Nami-miss ko na ang inyong mga hiyawan, ang inyong mga palakpakan. Plus, you know, it’s very hard to perform online because part ng performance ang audience. You guys give us the energy. You guys would give us inspiration to be able to do the show properly. Siyempre mahaba yung concert, you guys are the ones who gives me the energy and the strength. So, I miss being with you and I hope I can perform live again so that I can see you guys and hear you scream and clap. Thank you so much, sobrang naa-appreciate ko talaga na nandito kayo lahat. Mahal na mahal ko kayong lahat!”

Siyempre hindi nakalimutang pasalamatan ni Regine ang buong production team sa pamumuno ng director na si Paolo Valenciano at musical director na si Raul Mitra. Pati na ang presenters at sponsors ng Freedom kasama na ang PLDT Home.

Congratulations, Regine! And thank you very much to PLDT Home and Stratworks for the VIP e-ticket that made me experience this milestone digital concert of the Asia’s Songbird.

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)