Breaking News, Showbiz

Rabiya, Ms. El Salvador at Ms. Colombia nag-pictorial sa spa na pag-aari ng Pinay

NAG-ENJOY nang husto ang kandidata ng Pilipinas para sa inaabangang 69th Miss Universe na gagawin sa Florida USA na si Rabiya Mateo sa first activity ng Miss Universe 2020 kung saan isa ito sa napili along with Miss El Salvador Vanessa Velasquez, at Miss Colombia  Laura Olascuaga para bumisita sa sikat na O Skin Med Spa na pag-aari ng Pinay Guru na si Olivia Quido-Cona na siyang  official skin care partner para sa 69th Miss Universe.

Dito ay nag-pictorial at nag-video shoot sina Miss Philippines, Miss El Salvador at Miss Colombia ng mga produkto ng O SkinCare na ipapalabas sa Miss Universe 2020 Coronation Night bilang part ng kanilang activities at nabanggit nga ni Ms Olivia sa kanyang FacebookLive na super excited siya.

“Hi guys, this is something special because my guests today is Miss Universe Philippines and we also have right now Miss Universe Colombia and Miss Universe El Savador, so I’m excited about this and I will interview them one by one so you can get to know them,” bungad ng CEO at Presidente ng O Skin Med Spa sa Los Angeles, California.

At sa ginawang FB live interview ng maganda at napaka generous na CEO at President ng O Skin Med Spa sa tatlong beauty queens  ay libu-libong tao ang nanood dito mula sa iba’t ibang bansa, kung saan nagkaroon ang mga ito ng pagkakataon na tanungin ang mga beauty queens lalung-lalo na si Rabiya na napakahusay sumagot sa mga naging katanungan.

At di nga maiwasan ni Ms Olivia at ng ibang taong narorom sa kanyang opisina ang mapahiyaw nang pinadugtungan nito kay Rabiya ang salitang “I’m Rabiya Mateo at sinundan ng pambato ng Pilipinas ng “I’m Rabiya Mateo and i’m your next Miss Universe.“

Gaganapin ang 69th Miss Universe ss May 16  2021  sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino in Hollywood, Florida, United States.  Si Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi ng  South Africa ang magpuputong ng korona sa tatanghaling Miss Universe 2020.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)