Breaking News, Showbiz

‘Quezon’s Game’ mapapanood na sa iWantTFC

PAGKATAPOS maimbitahan at humakot ng awards sa mga international filmfest at worlwide screenings, uuwi na sa Pilipinas ang critically acclaimed historical movie na ‘Quezon’s Game’ (starring Raymond Bagatsing as Pres. Quezon), para mapanood ng mga Pilipino sa loob at maging sa labas ng bansa dahil posible at magiging available na ito sa iWantTFC streaming service.

Simula Enero 27 kasabay ng International Holocaust Remembrance Day, mapapanood ng standard at premium subscribers ang “Quezon’s Game,” na tungkol sa pagsagip ni Pres. Manuel L. Quezon (Raymond Bagatsing) sa 1,300 Jewish refugees mula sa Holocaust na nagsimula noong 1938.

Mapapanood din ng lahat ng iWantTFC users ang totoong kuwento ng ilang Jewish survivors na tumira sa Pilipinas o tinatawag na Manilaners sa docu series na ‘The Last Manilaners’ dahil libre rin itong mapapanood sa Enero 28.

Humakot ng parangal ang “Quezon’s Game” sa iba’t ibang bahagi ng mundo simula noong ipinalabas ito noong 2018. Kabilang sa mga award nito ang 12 awards mula sa Cinema World Fest Awards, anim na awards mula sa IndieFEST Film Awards, at apat na awards mula sa WorldFest-Houston International Film & Video Festival, kabilang na ang Remi Award for Best Foreign Picture.

Inulan din ng papuri ang pelikula dahil sa mahusay nitong pagkukuwento. Infairness, karamihan sa nakapanood ng movie, kasama na rin ang ilang independent award-giving bodies sa bansa ay nagandahan sa finale ng “Quezon’s Game” gaya ni Philippine Daily Inquirer entertainment editor Rito P. Asilo at sinulat na ito ay “one of the most indelible and touching finales ever staged this film season.” na amin ding sinang-ayunan dahil pinapalakpakan ang ending ng movie.

Sabi naman ni Franz Sorilla IV ng Asia Tatler sa kanyang review, naging maayos ang daloy ng pelikula dahil sa maganda nitong pagtatahi ng mga kwento tungkol sa kasaysayan.

Dagdag naman nina Stephanie Mayo ng Tribune at Mario Alvaro Limos ng Esquire Magazine, malinaw na naipakita sa pelikula na dapat na nilalabanan ang diskrimasyon at pang-aapi sa kapwa.

Ang “Quezon’s Game” ay mula sa direksyon ni Matthew Rosen at bukod kay Raymond Bagatsing na siyang bida, kasama rin si Epie Quizon at Arron Villaflor bilang narrator.

Sa mga ‘di pa nakapanood ng isa sa ipinagmamalaking Pinoy film, mapapanood ito ng standard at premium subscribers worldwide sa Enero 27 sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Magiging available naman nang libre sa buong mundo ang “The Last Manilaners” sa Enero 28. Mapapanood din ang mga ito sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa mga piling smart TV brands, ROKU streaming devices at Telstra TV para sa users na nasa labas ng Pilipinas. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang Help Center | iWantTFC Official Site.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC.  Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.

                        ******

LUBUS-LUBOS ang pasasalamat ni-Vice Ganda na nagpaabot ng kanyang pagbati  sa pakikipag-alyansa ng TV5 at ABS-CBN para mas lalong maraming madlang pipol ang makapanood ng ‘ASAP Natin ‘To’  at ‘FPJ:Da King’ sa bagong plataporma, sa Kapatid network. Nagsimula nang umere ang ASAP last Sunday at tuwing Sundays na ito masusubaybayan maging ang FPJ movies na nagsimula na rin nang araw na yun ng Linggo.

Pahayag ni Vice sa kanyang  Twitter, “A milestone was achieved today. Grateful to be part of it! Congratulations ABS-CBN AND TV5!!!!!!  #LittleSteps #BetterDays.”

Halatang ang saya ni Vice sa naganap na collaboratin ng Kapatid at Kapamilya.

“What’s up madlang people? Mga Kapamilya, at mga Kapatid. Maraming maraming salamat po. Personally I would like to say thank you very much to PLDT and TV5 Chairman Mr. Manny V. Pangilinan [and to] Cignal and TV5 President and CEO Mr. Robert P. Galang, maraming maraming salamat po,” sabi ni Vice noong mag-guest ito sa ‘ASAP Natin ‘To’ last Sunday.

“Congratulations and thank you very much for making this milestone happen with ABS-CBN.” pahabol pa ng unkabogable star.

Nitong January 21 lamang inanunsiyo ang pagsasanib-puwersa ng dalawang giant network ang Kapatid at Kapamilya networks, kasabay nang pagkumpirmang mapapanood na sa TV5 ang ASAP Natin ‘To and FPJ: Da King.

At ayon sa mensahe ng CEO Cignal TV, na si Mr. Galang,

“This collaboration between Cignal, TV5, Brightlight Productions, and ABS-CBN marks the start of greater cooperation among our various industry players and begins a new era of partnership,”

“The airing of ASAP and FPJ’s movies on TV5 showcases the desires of TV5 and ABS-CBN to serve our viewers in the best way possible. We are pleased to welcome the ‘ASAP’ family and the films of the one and only king of Philippine movies to Cignal and TV5.” ayon sa kanyang press statement.

Dahil mas marami na ang nakakapanood ng mga nasabing programa, as expected trending hindi lang sa ‘Pinas but worldwide ang  ASAP  last Sunday kung saa’y isa si Vice sa mga naki-party with ‘It’s Showtime’ co-host Jhong Hilario at Vhong Navarro.

“Ay may patrend pala e! O loko!!! Hayabayabayu My Little Ponies!!!!!!!” pahabol pa niyang pasasalamat.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)