Breaking News, Lifestyle

Programa kontra  covid-19 iaayos ng Kamara

Nais tumulong ng kongreso na “punan ang mga pagkukulang” ng pamahalaan sa pambansang programa sa bakuna para sa COVID-19, sa umiiral na pagsisiyasat ng lehislatura, ayon kay Bataan Rep. Jose Enrique Garcia III.

Sinimulan ng House Committee on Health ang pagdinig hinggil sa pambansang programa sa bakuna ng pamahalaan noong Enero 18.

Dito ipinahayag ni Speaker Lord Allan Velasco na kanilang titiyakin na ang bilyon-bilyong halaga na inilaan para sa bakuna ay magagamit para sa pinaka-epektibo at pinakaligtas na bakuna laban sa virus.

“Ito rin naman po ang gusto ni Speaker Velasco, ma-review natin ang national vaccination plan ng DOH para we can give our inputs,” ani Garcia, Vice Chairman ng naturang komite, sa pulong pambalitaan ng Ugnayan sa Batasan,

Sinabi niya na ang pagdinig ng komite ay hindi lamang nakapagdulot ng sapat na impormasyon sa kahalagahan ng programa sa bakuna, kungdi nailabas din dito ang mga kakulangan na dapat punan.

Iprinisinta nina Health Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa komite kung papaano pangangasiwaan ng pamahalaan ang pagbabakuna sa publiko, kabilang na ang mga dalubhasa sa agham at kalusugan mula sa mga pampubliko at pribadong sector. (Vina de Guzman)