Breaking News, Sports

PRO MMA FIGHTER/COACH ESPINAR, TIKLO SA DROGA

ARESTADO ang Filipino-Canadian Pro Mixed Martial Arts (MMA) Fighter/Coach na si Gary Espinar, matapos umano itong magbenta ng high-grade marijuana sa Cubao, Quezon City, kahapon.

Nasa mahigit P3 milyon ang kush na nasamsam mula sa 38-anyos na suspek sa anti-drug operation sa isang parking lot ng mall.

Nauna rito, lulan umano sa kotse ni Espinar ang mga kontrabando na nakapaloob sa walong lata at sampung malalaking pakete ang high-grade kush.

Ayon naman sa Philippine Drug Enforcement Group (PDEA), nagawa nilang makuha si Espinar sa follow-up operation matapos siyang inguso ng dalawang high value target na naunang nadakip sa Bgy. Batasan, Quezon City. (Eloise L., bistadodailynews.net)