Breaking News, Showbiz

  Princess Punzalan excited gampanan ang mommy niyang si Helen Vela sa ‘Priksyon’

BINALIKAN ng award-winning actress na si Princess Punzalan ang kanyang kabataan sa piling ng kanyang yumaong ina at Philippine Showbiz icon na si Helen Vela sa kanyang guesting noong February 13 sa ‘MarkyTalk 101: One-on-One Conversations’ hosted by Direk Mark Aranal. Nag-special appearance rin sa show ang mga kaibigan ni Princess na sina Nadia Montenegro at Jacque Oda. 

Ayon kay Princess, alam niya simula noong bata pa siya na sikat ang kanyang Mommy Helen, na higit na nakilala noong kapanahunan nito bilang magaling na host at tagapayo sa show na ‘Lovingly Yours, Helen.’ Pero naging mahirap daw ito para kay Princess bilang anak ng sikat na personalidad.

“I knew that people know her, that people would recognize her name. But personally, as a child of someone known it was difficult because people would expect a lot from me, especially when she’s the big sister of most people that she gave good advises. People expect me to live a certain kind of life. It was difficult because marami ring nangyayari in our own personal home where she was not fully involved with all the decisions that I made in my life. So, as a teenager I did a lot of things behind her back. I was a teenager who wants to explore, experiment and do all those things. But then, of course, when you are not guided by the wisdom of your parents, I did a lot of stupid stuffs which led to a lot of other things. Bad choices, I had a lot of bad choices in my life,” kuwento ni Princess.

Pinagsisihan naman daw ni Princess ang mga ito at humingi ng tawad sa kanyang mabuti at mapagmahal na ina. Hindi nagtagal ay nakagawa rin ng sarili niyang pangalan si Princess sa showbiz. Nagawa pa rin niyang sumikat sa sarili niyang pagsisikap dahil na rin sa taglay na galing at talento.

Bukod sa pagkakaroon ng sariling drama series, nakagawa rin ng maraming teleserye si Princess at ang most memorable at most popular role na ginampanan niya ay bilang kontrabidang si Selina sa ABS-CBN hit series na ‘Mula Sa Puso’ na pinagbidahan ni Claudine Barretto. Later on nagkaroon din ito ng movie version.

Nakatanggap ng mga awards sa telebisyon si Princess gaya ng Best New Female TV Personality sa PMPC Star Awards for Television para sa ‘Lovingly Yours, Helen’ noong 1987. Best Drama Actress naman ang iniuwi niya noong 1998 sa PMPC Star Awards for Television para sa ‘Mula Sa Puso.’

Nakagawa rin ng maraming pelikula si Princess. At kahit nga sa Amerika na siya ngayon naka-base since 2005 kung saan nagtatrabaho siya bilang nurse ay nakagawa pa rin siya ng pelikula. Ang latest movie nga niyang Yellow Rose ay nakaikot na at nagwagi sa iba’t ibang international film festivals. Naipalabas na rin ito kamakailan sa Pilipinas via online sa KTX. ph.

Kasama sa natalakay sa MarkyTalk 101 ang Yellow Rose, kung saan gumanap si Princess na nanay ng bidang FilAm actress na si Eva Noblezada. Puno nga ng papuri si Princess kay Eva dahil sa ibinigay nitong dedikasyon sa role nito.

Kasama rin sa napag-usapan nina Princess at Direk Mark sa MarkyTalk 101 ang pinagsamahan nilang pelikulang ‘Diyos-Diyosan’ na pinagbidahan ni John Prats. Nag-aartista pa noon si Direk Mark. Si Princess naman umuwi pa ng Pilipinas mula sa Amerika para gawin ang pelikula.

Samantala, bukod sa kanilang online reunion sa MarkyTalk 101 muling magsasama sina Direk Mark at Princess sa malaking online production ng MarkyTalk na ‘Priksyon,’ a dramatic reading ng isa sa mga obra ni Gina Marissa Tagasa, sa February 20, 11pm. Pagbibidahan ito ni Princess, na gaganap bilang mommy niyang si Helen Vela habang si Direk Mark naman ang direktor.

Nagkaroon nga kami ng pagkakataon na magtanong kay Princess nang manood kami nang livestream ng MarkyTalk 101 sa Facebook page ng MarkyTalk. Tinanong namin si Princess kung ano ang feeling na gagampanan niya ang kanyang Mommy sa ‘Priksyon’ and what convinced her to accept the project?

“Well, it’s not hard to convince me,” sagot ni Princess. “I would love to help Marky and play the role of my mom. Hindi na ako kailangang itulak para gawin ito. I would love to do that. I feel excited and I’m wondering how people would feel while I narrate what she used to say. So, I’m just excited how people would react.”

Makakasama ni Princess sa ‘Priksyon’ sina Seaver Choy, Jerome Ventinilla, Abigail Co, Jeff Escaros, Joy Ras, Mac Coniconde, Jigger Sementilla and with the special participation of Gina Marissa Tagasa. Priksyon will be directed by Mark Aranal with Eldrin Veloso as stage manager.

Ang ‘Priksyon’ ay ang pang-apat na produksyon ng MarkyTalk sa Gina Marissa Tagasa collections. Nauna na nilang nagawa ang Pamilya Magdangal, Dagok, at Manay Ofel. Kasama rin sa special shows ng MarkyTalk ang Oli Impan at Vacancy. Naging special guests na nila sa mga shows na ito sina Hazel Maranan (theater actress), Joan Menco (theater actress), Toni Go (theater actress), Richard Nua (theater actor/ tiktok influencer), Jun Ofrasio (theater actor) at Bibeth Orteza (actress/ writer/director/ producer).

Habang naghihintay kayo sa Livestream ng ‘Priksyon’ sa February 20, maaari ninyo pa ring mapanood ang MarkyTalk 101 with Princess Punzalan sa Facebook page ng MarkyTalk at sa YouTube Channel ng MarkyTalk Events. Mag-follow at mag-subscribe na rin.

Ang ‘MarkyTalk 101’ at ‘Priksyon’ ay kabilang sa collection of online self-produced programs, broadcasting live or pre-recorded as a live performance na inoorganisa ng MarkyTalk, isang community of Christian artists. Kasama rin sa mga produksyon ng MarkyTalk ang MarkyTalk Hope, MarkyTalk LSS, MarkyTalk R&R at MarkyTalk M&M.

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)