Breaking News, Showbiz

Prima Donnas stars ibinahagi ang memorable experiences sa set

SA huling linggo ng top-rating GMA Afternoon Prime series na ‘Prima Donnas,’ muling binalikan ng cast na sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Elijah Alejo ang ilan sa hindi nila malilimutang karanasan habang ginagawa ang serye.

            Sa kanilang virtual grand finale reunion nitong Biyernes (February 12), taos-pusong pasasalamat ang ipinahatid ng Prima Donnas stars sa kanilang supporters at avid viewers na talaga namang sinubaybayan ang serye mula umpisa hanggang sa huli.

            Sinariwa naman ng teen stars na sina Jillian, Elijah, at Althea ang ilan sa memorable experiences nila.

Ayon kay Elijah, “For me, lahat naman po ng experience ko with ‘Prima Donnas’ is memorable. Lahat po ng kuwentuhan, asaran, lessons, testimonies, hinding-hindi ko po makakalimutan lahat.”

Hindi naman makakalimutan ni Jillian ang mga unang araw niya ng taping, “Lahat po! Pero hindi ko makakalimutan ‘yung first taping days ko po, katulad nung nilock po si Mayi sa kulungan ng baboy or ‘yung fruit salad fight namin ni Brianna.”

Ang pagdiriwang naman ng kanyang kaarawan kasama ang kanyang ‘Prima Donnas’ co-stars ang isa sa memorable experiences ni Althea, “Dalawang beses na ako nakapag-celebrate ng birthday ko na kasama ang Prima Donnas family kaya sana next year ulit sila pa rin ang kasama ko.”

Samantala, ‘wag palampasin ang kapana-panabik na pagtatapos ng Prima Donnas ngayong Biyernes (February 19) sa GMA-7.

                        *****

Heart Evangelista may bongga at unexpected birthday gift

Bukod sa kaliwa’t kanang birthday greetings na kanyang natanggap, mas pinabongga pa ang ika-36 na kaarawan ng Kapuso star na si Heart Evangelista nang ilabas sa Times Square sa New York City ang kaniyang panibagong digital billboard sa mismong araw ng kaniyang kaarawan.

Isang malaking sorpresa ito para sa aktres na agad niyang ibinahagi sa kaniyang mga fans at followers sa isang Instagram post, What??! What a bday! My second billboard is up on Times Square!!! So grateful!”

Masayang ipinagdiwang ni Heart ang birthday kasama ang asawang si Gov. Chiz Escudero at malalapit na kaibigan.

Samantala, excited na rin ang mga fans sa pagbabalik ni Heart sa TV via the upcoming series ‘I Left My Heart in Sorsogon.’

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)