Breaking News, Showbiz

PMoira, PLDT Home nag-collaborate para sa Valentine music video

BONGGA ang pakikipag-collaborate sa PLDT Home ng most streamed Filipina artist on Spotify na si Moira Dela Torre para sa music video ng latest single niyang “Pag-ibig ang Piliin,” composed and arranged by award-winning songwriter Jonathan Manalo, and co-written by Trisha Denise. Bilang boses ng PLDT Home’s campaign ngayong Valentine’s Day, muling bibihagin ni Moira ang maraming puso sa awiting tumatalakay sa totoong kahulugan ng pag-ibig.

Hina-highlight ng PLDT Home sa Valentine’s campaign nito ang kahalagahan ng pagpili pa rin sa pag-ibig sa kabila ng dinaranas nating mga pagsubok at mahirap na sitwasyon lalo na ngayong panahon ng pandemya. Bagama’t naging importanteng platforms ang Internet at social media para sa free expression at open dialogue, ang #ChooseToLove campaign ng PLDT Home ay nagpapaalala sa ating lahat na lagi pa rin nating piliin at pangibabawin ang pag-ibig at pagmamahal kaysa sa galit, takot, pagiging makasarili at iba pang negatibong emosyon at damdamin.

Bagay na bagay ngayong panahon ang mensahe ng “Pag-ibig ang Piliin.” “Pag-ibig lang ang ‘sakalam’ (o malakas),” ika nga ng bagong henerasyon. At mararamdaman iyan sa lyrics ng kanta:

“Kahit ‘di sumikat ang araw at bumuhos ang ulan

Kahit hindi umayon ang tadhana

Isang tawag mo lang, pupuntahan nasaan ka man.

Ganyan ang tunay na  pag-ibig ‘di  takot sa mundo

Ipaglalaban kita hanggang sa dulo

Pag-ibig ang pipiliin ko.”

Malaking karangalan naman para kay Moira na siya ang napili ng PLDT Home para awitin ang “Pag-ibig ang Piliin.” Sabi pa niya, “The message of this song embodies what I have been advocating for these past few years. Choosing love and positivity, and now we made it into a song!”

Ayon naman sa sumulat ng kanta na si Jonathan Manalo, “This a love song that puts emphasis on ‘Love’ that is worth fighting for. Love against all odds, even if the world seems to disapprove, no one can question the power of a person’s great true love. When you choose to fight for love, it is the ultimate power, nothing, no one can stand in your way.”

Kaya naman #ChooseToLove na ngayong Valentine season. Directed by Benedict Mariategue and produced by Playback Productions for PLDT Home, ang music video ng “Pag-ibig ang Piliin” na inawit ni Moira ay mapapanood sa YouTube channel ng PLDT Home at sa iba’t ibang social media platforms nito.

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS)