Breaking News, Showbiz

PLDT Home binibigyang pugay ang mga kababaihan sa video series na #SheConnects

KASABAY ng selebrasyon ng Women’s Month ngayong Marso, binibigyang-pugay ng PLDT Home ang mga kababaihan at ang power of female connections sa pamamagitan ng unique video series dubbed as #SheConnects kung saan itinatampok ang apat na empowered Filipinas na tinaguriang builders, champions at beacons ng kasalukuyang henerasyon. 

Ang campaign ng PLDT Home na #SheConnects ay may layuning makabuo ng isang komunidad ng mga kababaihang nagsusuportahan, nagbibigay inpirasyon at koneksyon sa isa’t isa. Sa gitna ng hamon ng pandemya, ang pagkakaroon ng platform upang magsama-sama at magkaisa ang mga kababaihan ay tunay na mahalaga.

“With #SheConnects we want to shine the spotlight on incredible women who are trailblazers in their respective fields. We hope that their stories will inspire and empower other women to continue making a positive impact in society,” paliwanag pa ni Butch Jimenez, PLDT Senior Vice President and Head of Consumer Business – Home Group.

Nangunguna sa PLDT Home’s #SheConnects campaign ang apat ng Pinay na ang mga adbokasiya at achievements ay sumisimbolo sa women empowerment – Athlete, TV personality and “Woman in Action” Gretchen Ho as Beacon; Masungi Georeserve Founders and Managing Trustees Billie and Ann Dumaliang as Champions; and Social entrepreneur and Messy Bessy owner Krie Lopez as Builder.

Bilang beacon at role model sa mga kabataan ngayon, si Gretchen ay patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa iba upang magsalita at bigyang linaw ang mga isyung nakakaapekto sa mga kababaihan. Mula noong panahon ng kanyang pagiging atleta hanggang ngayon na nasa industriya siya ng broadcasting at pagbabalita, binibigyang platform ni Gretchen ang mga kababaihan upang maisalaysay ang kanilang mga istorya at manindigan sa kanilang pinaniniwalaan.

Ang magkapatid na Billie at Ann Dumaliang ay nagpapakita sa ibang kababaihan kung paano maging matapang at manindigan sa kanilang ipinaglalaban. Sa kanilang dedikasyon at pagsusumikap, ginawa nilang malaking halimbawa ang Masingi Georeserve upang patuloy na pangalagaan ang natural resources ng Pilipinas. Isinusulong nila ang environmental awareness and conservation. Sila ang perfect examples kung paano ang mga kababaihan ay maging champions for future generation.

Naglunsad naman si Krie Lopez ng negosyong may puso at pagpapahalaga sa mga tao at sa ating planet, na kanyang battle-cry sa simula pa lang. Bukod sa pagbibigay ng trabaho sa mga kababaihan, pinagtuunan niya rin ang education and holistic development. Ilang taon na rin niyang binibigyan ng oportunidad ang mga itinuturing na “unskilled laborers” upang mapabuti ang kanilang pamumuhay. Siya talaga ang mabuting halimbawa ng isang woman builder.

Pinagsama-sama ng PLDT Home ang apat ng Pinay na ito upang itaguyod ang women empowerment at magbigay inspirasyon sa mga kababaihan.

Learn how to be a woman builder, champion, and beacon just like Gretchen Ho, Billie and Ann Dumaliang, and Krie Lopez by watching the series of Virtual Master classes on PLDT Home’s social media pages: YouTube, Facebook and Twitter.

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)