Breaking News, Showbiz

Piolo, Catriona, Maja tigbak ang show sa TV5

HINDI inaasahan ng buong production staff at maging ang mga cast ng TV 5’s ‘Sunday Noontime Live’ (SNL), ang pagkakaloob sa kanila ng memo tungkol sa maagang pagpapaalam sa ere ng show na tatlong buwan pa lamang inilulunsad. Kabilang ang mga host na sina Piolo Pascual, Catriona Gray , Maja Salvador, at iba pa ang nasorpresa hanggang sa makarating sa kanila ang pasabi na tatapusin na ang kanilang show mula sa kanilang ayon pa sa show producer na si ex-Cong. Albee Benitez na siya ring COO ng Brightlight Productions na namamahala ng programa.

Nito lang Saturday, January 16, inanunsiyo ng  Brightlight Productions na dalawa sa kanilang shows, shows–SNL and Sunday Kada–will air their season enders on Sunday, January 17.

Sunday Noontime Love (SNL)’s delightful run is about to end and we await future endeavors from its outstanding stars and phenomenal newcomers,” CEO Albee Benitez said in a statement..

Parehong ini-launch ang SNL and Sunday Kada last October 18.  Ang SNL ay pantapat sana ng TV5 sa ABS-CBN’s ‘ASAP Natin ‘To,’ subali’t natuldukan ang rivalry sa anunsyong magpapaalam na ang SNL. Habang posible namang makabalik ang ‘Sunday Kada’ dahil ayon sa statement ng Brighlite Prods, magbabago ito ng format.

Sunday Kada will explore new locales, exciting locations, and more laughs in the near future.”

Emosyonal ang ilan sa mga host ng SNL gaya ni Maja Salvador na nagpahayag na, “Maraming salamat po sa inyong lahat na sumubaybay, sumuporta, at nakisaya sa amin sa isang buong season ng #SNL.”

Bukod sa tagasubaybay ng SNL, Maja also expressed her gratitude to their director, former Star Magic head Johnny Manahan, and the whole SNL team.

“Thank you very much Mr. M sa pagbuo ng show na ito para makapagbigay ng trabaho sa marami at makapagdulot ng saya sa lahat ng mga fans for the past 3 months!” aniya.

“#TeamLive Magkikita pa tayong muli!” aniya pa..

Samantala, matatag pa rin ang ilang shows produced by Brightlight gaya ng Lunch Out Loud, Rated Korina, and Oh My Dad! at patuloy pa rin itong mapapanood on air sa TV5..

                                                              *****

            Ex ni Joem Bascon nag-iingay

PAGKATAPOS ng kanilang pagbabalikan at pagsisilang ni Meryll Soriano ng kanilang baby ni Joem Bascon, lumantad ang dating karelasyon ni Joem na si Chrisha para linawin at ibahagi ang kanyang nararamdaman sa paghihiwalay nila ng aktor na nakasama nito sa loob nang walong taon.

Sa pamamagitan ng isang vlog upload nitong January 18, naglabas ng kanyang saloobin si Crisha, una  sa naging pagbabalikan ni Meryll at ng kanyang ex-boyfriend na si Joem.

“Alam ko na ‘yung totoo. Alam ko na ‘yung relationship nila, their bundle of blessing long way before pa nung na-upload ‘yan,” umpisa ni Crisha sa vlog.

Hindi raw lingid sa kanya ang lahat bago pa man ang nababalitang pagbabalikan ng kanyang ex kay  Meryll. Aniya pa, nangyari raw ang lahat sa tulong na rin ng kanilang mga mutual friends.

Hindi ipinagkaila ni Crisha na nu’ng lumabas ang mga ulat sa social media, nakaramdam siya ng galit sa tila naging panloloko sa kaniya ni Joem.

“Nagalit ako kasi bumalik ‘yung feelings ko na I was betrayed all over again,” sey Crisha.

“Iba pala ‘yung feeling na nakita mo versus kinuwento or chinika lang sa ’yo. Parang feeling ko kasi kailangan kong ilabas ‘yung naramdaman ko that day ‘yung galit ko, ‘yung sakit na ‘yun, kung ano mang naramdaman ko that day,”dagdag niya.

Masakit man daw sa kanya ang nangyari, nilinaw ni Crisha na unti unti na siyang naka-move on kay Joem.

“But hindi dahil mahal ko pa siya kung hindi, you know, kasi naka-move on na ako ‘eh. Ano lang finally, finally na-confirm ko na nagsinungaling talaga siya noon. That I was lied to,” katuwiran niya.

Inalala rin ni Crisha ang tila naging pagsasawalang bahala niya noon sa kanyang mga hinala na siya rin aniya mismo ang nakapagbigay ng kasagutan.

“Kasi I gave them the benefit of the doubt eh before. Pero ‘yun na nga, sampal pala sa mukha nung nakita ko ‘yun. Sampal sa mukha na tama pala ‘yung hinala ko noon. Na finally girl—confirmed!”

Sa bahagi rin ng nasabing vlog, nagpasalamat rin si Crisha sa tila tadhanang hindi natuloy ang mga plano nila ni Joem kabilang na ang pagpapakasal.

“We were planning to get married saka na kami mag-family. Pero ‘yun nga, I thank God na hindi natuloy ‘yon kasi we are not really meant to be and God is good,” lahad pa niya.

Sa huling bahagi rin ng kanyang vlog, ibinahagi rin niya ang ilan sa mga natutunan niya sa walong taon na relasyon kay Joem at sa naging pinagdaanan.

“I hope na tulungan ninyo ako to close this chapter in my life. I guess the greatest takeaway sa lahat ng ito, including the recent, ang importance ng honesty. Dapat honesty shouldn’t only be sa ligawan stage, during the relationship or in love kayo sa isa’t isa. Dapat honest din kayo kahit sa failure sa relationship. I mean kahit sa breakup stage, kahit masakit. Kasi if may honesty, may maiiwan na respeto sa isa’t isa. Kaya ngayon ready na ako, open na ako, at ready na ako sa mga darating. I’m now wiser, clever,”makahulugan  niyang pahayag.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)