Breaking News, Lifestyle

PINOY ABROAD NA MAY COVID-19, UMABOT NA SA 13,605

MAY 14 na bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang Enero 19, nasa 13,605 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Pinoy mula sa 84 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,980 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Nasa dalawa naman ang bagong gumaling kaya 8,684 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Wala namang bagong napaulat na nasawi. Dahil dito, 941 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Tiniyak naman ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic. (Eloise L.)