Breaking News, Showbiz

Pinay singer ipinagmamalaki ang husay ng  mga Pinoy sa buong mundo

BONGGA ang mahusay na singer/producer na si Carmela Betorio dahil halos malibot na nito ang buong mundo para mag-perform at ipamalas ang husay ng Pinoy pagdating sa kantahan kasama ang kanyang kinabibilangang  banda.
Nalibot na nga nito ang  China, Russia at Maldives para mag-perform sa loob ng labindalawang taon at dito na nga niya naisip na tulungan ang ilang local aspiring singers na ipinagprodyus niya ng album noong 2010 at isa dito si Romy Garcia na naka-duet niya sa isang kanta.

Na-feature na rin si Carmela  sa iba’t ibang International radio stations sa ibang bansa, at sa bawat interview niya ay proud niyang sinasabi na isa siyang Pinoy at dito niya ipinapamalas ang husay ng Pinoy sa pagkanta.

Pero bago naabot ni Carmela ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon ay naaalala pa nito ang kanyang humble beginning, nagsimula daw ang kanyang singing career ng maging part ng banda na kumakanta sa isang piano bar sa Makati. At mula doon ay tuloy-tuloy na ang suwerteng dumating sa kanyang singing career .

At during pandemic times ay isa ito sa 15 artists featured in “Pag-ibig sa Kapwa” (the pandemic song) para sa isang collaborative project to raise funds for those affected by this pandemic at ngayong 2021 ay sinisumulan namang nitong i-record ang mga kanta sa kanyang bagong album.

At bukod sa kanyang bagong album ay nakatakda din itong mag record ng kanta na  isang original composition  sa Japan na iri-released sa buong Asya ngayong taon kaya naman sobrang saya ng International singer.

Ayon nga ka’y Carmela, “I did not expect the turn of events in my singing career which already took the back seat a decade ago. Getting recognized as an independent artist at this age and at a time like this (pandemic) did not even cross my mind at the beginning of 2020. Suddenly, my days (and sometimes nights) are spent on recording, filming and internet radio guestings. I am flattered but I am grateful for the people who believe in my ability as an artist.”

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)